Paring presidente ng Ateneo, aprubado ang "dress" ng transwoman para sa graduation

Paring presidente ng Ateneo, aprubado ang "dress" ng transwoman para sa graduation

- Pinayagan ni President Father Roberto Rivera SJ ng Ateneo de Naga University na magsuot ng "dress" ang isang transgender woman para sa kanyang graduation

- Una nang binawalan ng graduation committee professor ang transgender na estudyante na magsuot pambabae sa graduation kaya naisipan niyang sumulat sa presidente mismo ng unibersidad upang humingi ng pahintulot

- Di lang daw "approved" ang nilagay sa request letter niya kundi "congratulations" na rin at maiksing note na nagpapahintulot sa kanyang ipakita ang sulat na ito sa susunod na kuwestiyunin ang pagsusuot niya ng damit pambabae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending ngayon ang nakakatunaw ng pusong tweet ng isang transgender woman na ga-graduate na ngayong taon.

Sa kanyang tweet, binahagi ni Roman Giuseppe “Emma” Bueno ang kanyang saya sa di inaasahang pagpayag ng presidente ng Ateneo de Naga University na si Father Roberto Rivera SJ na magsuot siya ng "dress" para sa kanilang graduation.

Ito ay matapos magpadala ng request letter si Emma sa paring presidente ng unibersidad kung saan humihingi ito ng pahitulot na magdamit babae para sa kanilang graduation dahil siya ay isang transgender woman.

Sinabi rin ni Emma na binawalan kasi ng isang graduation committee professor na mag-crossdress ang mga transgender para sa kanilang graduation.

PAY ATTENTION: 15 Traits That Meghan Markle Has In Common With Princess Diana

Kaya naman naisipan niyang diretso na dumulog sa presidente ng kanilang unibersidad upang ilabas na rin ang kanyang saloobin sa mungkahing ito.

Laking gulat ni Emma na di lamang "approved" ang kanyang request, kundi binati pa siya ng presidente ng unibersidad ng "congratulations."

Bukod dito, naglagay pa ng note si Fr. Riveraang presidente na sa susunod na kuwestiyunin ang pananmit ni Emma, ipakita lamang daw nito ang aprubadong request letter kaninoman.

Dahil dito, umani ng papuri ang paring heswita sa malawak na pang-unawa nito sa LGBTQ community.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na labis ding namangha sa ginawa na ito ng pari:

"One of my transphobic/homophobic teacher called the attention of the graduation committee questioning my way of wearing female clothes for the baccalaureate mass and graduation day. So I wrote a letter personally to the Father President and his response made me emotional"
"Fr. Robert Rivera is really an understanding and open minded Jesuit. Glad to know he is your University President. He deserves the position and you deserve to have a president like him. Best regards Fr. Rivera and congratulations Emma! All the best! Thanks for sharing this."
"Fr. Robert is such a kind and wonderful person (as with most Jesuits I know)! Even when he was still a chaplain at my primary school. Good on him to support you. Congrats on graduating!"

Umabot na sa halos 19,000 ang reaksyon at nasa 2,600 na komento ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dennis Padilla’s statement opposes recent claim of Gerald Anderson about their conversation

Dennis Padilla’s statement opposes recent claim of Gerald Anderson about their conversation

Dennis Padilla’s statement opposes recent claim of Gerald Anderson about their conversation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel