Maine Mendoza at Arjo Atayde, na-bash ng netizens matapos mag-disguise sa isang sikat na amusement park

Maine Mendoza at Arjo Atayde, na-bash ng netizens matapos mag-disguise sa isang sikat na amusement park

- Nag-viral kamakailan ang mga larawan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Star City

- Nakatakip ng itim na mask ang dalawa pero tila mas lalo silang napansin ng mga tao doon

- Marami ang nam-bash na netizens sa ginawa nilang pag-disguise

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos umamin nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa tunay na estado ng kanilang relasyon ay sunod-sunod ang nagiging paglabas ng dalawa at madalas itong mag-trending online.

Nalaman ng KAMI na kamakailan lang ay naispatan ang dalawa sa Star City.

Makikita sa mga photos na binahagi ng Fashion Pulis na nakasuot sila ng itim na mask, marahil para di masyadong mapansin at maging "private" ang kanilang date.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Makikita sa mga larawan na mukhang nag-eenjoy talaga ang dalawa sa kanilang simpleng date sa amusement park. Pero kahit na nga nagtakip sila ng mask ay nakilala pa rin sila ng mga tao.

Maraming netizens ang nagsasabi na masyado naman daw "feeling" ang dalawa samantalang hindi naman sila pagkakaguluhan.

Mayroon din namang dumipensa sa kanila at sinabing mga "bitter" lang talaga ang iba.

"feeling naman nitong 2. wala namang dumog eh! di kayo sikat uyyy!"
"As if naman dudumugin. Hindi na nga pinagkakaguluhan si yaya sa all for juan segment sa barangay"
"ang hilig nitong mag feeling ni Maine. tanda ko nung yaya dub pa sya may pa disguise din sya noon sa concert with matching eyeglasses. kung nuon walang dumog, mas lalo na ngayon noh. hindi kayo interesting sa mata ng tao noh."
"Soooobrang papansin. Bakit ka naman pupunta dyan given ang status mo.. para lang mapicture-an. Parang nang iinis nalang si maine"
"Hehehe kung dito nga online dinudumog na si maine ng mga basher na kagaya nyo, baka naman trip lang nila magmask, sila lang ba gumagamit ng mask sa public?"
"Wow. Daming bitter dito. Baka naman may hika o polluted ang lugar kaya nag facemask. I do that daily esp mausok sa daan hallo."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, nag-viral kamakailan ang mga photos nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Nakunan ang dalawa habang sila ay nagde-date. Ang ilang larawan ay kuha sa New York City at ang iba naman ay kuha sa Star City.

Si Nicomaine Dei Capili Mendoza, o mas kilala bilang si Maine Mendoza, ay isang Pinay na aktres, host, comedienne, at entrepreneur. Ipinanganak noong March 3, 1995, itinanghal siyang 'most googled female personality' sa Pilipinas noong 2015 at 'most tweeted Filipino celebrity' noong 2017.

Kasalukuyang dine-date ng Kapuso star si Arjo Atayde, isang aktor sa Kapamilya network. Nagbunga ito ng mga 'haters' mula sa mga fans ni Alden Richards na tutol sa relasyon nilang dalawa.

POPULAR: Read more news about Maine Mendoza

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Amid ongoing battle between Kris Aquino and Nicko Falcis, the latter's brother, Atty. Jesus Falcis speaks up and tells their side of story. Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na nagnakaw di umano ng $500, di raw pinakakain ng amo

OFW na nagnakaw di umano ng $500, di raw pinakakain ng amo

OFW na nagnakaw di umano ng $500, di raw pinakakain ng amo kaya nagawa ito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel