4 na buwang sanggol, muntik nang madukot ng 'riding-in-tandem' sa Dagupan city

4 na buwang sanggol, muntik nang madukot ng 'riding-in-tandem' sa Dagupan city

- Muntik nang madukot ang isang apat na buwang sanggol sa Dagupan city

- Pauwi na ang yaya na dala ang sanggol mula sa pamamasyal nang lapitan ito ng babaeng angkas sa motorsiklo at sinabing pinakukuha raw ang sanggol ng mga magulang nito

- Mabuti na lamang at alisto ang tagapag-alaga at di basta nakuha ang sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muntik nang makuha ang isang apat na buwang sanggol na tinago sa pangalang baby Angelo sa Dagupan city.

Kwento ng tagapag-alaga ni baby Angelo na si "Glenda", pabalik na siya karga ang alaga nang bigla silang salubungin ng babaeng bumaba sa motorsiklo.

Nilapitan ng babae si Glenda at sinabing pinakukuha si baby Angelo ng magulang nito.

Ayon sa panayam sa yaya ni baby Angelo ng GMA news, di raw siya basta naniwala dahil sa alam naman ng magulang ng alaga na pinasyal lamang niya ang alaga sa dagat.

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Nagpumilit pa rin daw ang babae at sinasabi pa rin na pinakukuha ito ng magulang ng bata.

Alisto ang tagapag-alaga at sinabing lumayo na lamang at kung hindi ay sisigaw siya para matawag ang atensyon ng mga kapitbahay.

Napansin ng tagapag-alaga ni baby Angelo na may lalaki pa palang kasama ang babae at sinabi pa nito na sumakay na lamang sa motor at "palaban" daw ang yaya. Takot din ang lalaki na baka totohanin pa raw ni Glenda na sumigaw para humingi ng saklolo.

Nagtakip ng ilong ang yaya upang makasiguro na walang malalanghap sakaling may ipaamoy man sa kanya ang babae dahilan para siya'y mahilo at makuha ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakatakbo palayo ang mag-yaya samantalang naka-puga rin ang 'riding-in-tandem na kukunin sana si baby Angelo.

Agad naman itong ni-report sa Dagupan city police upang maipagbigay alam na may nag-iikot na sa kanilang lugar upang makakuha ng mga bata.

Paalala ng pulisya, huwag daw bastang magtitiwala sa mga taong di kilala at mainam na sumigaw at humingi ng saklolo hangga't may pagkakataon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo

Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo

Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel