Buntis na kumuha ng physician licensure exam, nanganak ilang minuto matapos ang test

Buntis na kumuha ng physician licensure exam, nanganak ilang minuto matapos ang test

- Binahagi ng isa na ngayon ina at lisensyadong doktor kung paano siya nakakuha pa ng physician licensure exam habang siya ay nagli-labor na

- Malaki ang pasalamat niya sa suporta ng kanyang mister na nakaabang agad sa labas ng examination room at agad siyang nadala sa emergency room

- Sa kabila ng sangkaterba niyang pinagdaanan sa pagkuha ng exam, nakapasa pa rin siya at isa na siyang lisensyadong doktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha ang pinagdaanan ni Eunice Stefanelle Atianzar Sibuyan na buong tapang na kumuha ng physician licensure examination kahit alam niyang siya ang nagli-labor na.

Sa kanyang Facebook page, kinuwento ni Eunice ang nakaka-inspire niyang kwento sa paninindigan niya sa propesyon at sa pagiging ina.

Isang linggo bago ang eksaminasyon, one to two centimeters na ang cervix niya. Dahil dito, napilitan siyang mag-review habang nakahiga dahil kailangan niya ng pahinga.

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Sa mismong araw ng exam, nakaranas na siya ng spotting at pananakit na ng tiyan, senyales na manganganak na siya. Sumabog na ang panubigan nito ngunit di niya sinabi sa kanyang mga kaanak. Sigurado kasing dadalhin siya ng mga ito sa ospital.

Nanatiling kalmado lamang si Eunice at pinagpatuloy ang kanyang exam.

Kaya nang matapos niya ito, agad siyang sinalubong ng kanyang mister na nakaabang naman sa kanya sa labas ng testing area at agad na siyang dinala sa ospital.

Nanganak na agad si Eunice at maayos naman ang lagay ng kanyang baby.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tatlong araw matapos ang exam, nalaman na niya ang resulta at siya ay nakapasa.

Isa na siyang ina at lisensyadong doktor.

Samantala, marami talaga ang humanga kay Doktora Eunice sa pinakita niyang determinasyon at katapangan sa kanyang desisyon.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"You've been so strong. Nabalitaan ko nangyari sobrang nagworry ako agad para sa inyo ni baby but I'm super happy na kinaya mo lahat. Double celebration na! Get well soon to your baby"
"that is soo impressive,Congratulations basang and to the grandparents"
"Sooo inspiring"
"iba ka Stef! Wala nang tatalo sa kuwentong board exam mo!"
"Grabe yung pain tolerance ang taas"
"Such a strong Mommy. Congrats, Doc! You are so blessed"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating adik sa droga, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Dating adik sa droga, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Dating adik sa droga, proud na nakapagtapos ng kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel