DOTA player, topnotcher sa Medtech board exams na nakakuha ng 91.10% rating

DOTA player, topnotcher sa Medtech board exams na nakakuha ng 91.10% rating

- Isang proud na DOTA player ang naging topnotcher ng Medical Technologist Board Examination ngayong taon

- Nakilala ang topnotcher na ito na si John Steward Buenavista Alberto, 21, na naglalaro na ng DOTA mula pa noong siya ay nasa 1st year high school pa lamang

- Halos di makapaniwala si John Steward dahil siya talaga ang unang nakaalam sa kanilang pamilya na siya ang nanguna sa Medtech board exams

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinong mag-aakala na isang DOTA player pa ang magiging topnotcher sa Medical Technologist Board Examination ngayong taon?

Siya ay si John Steward Buenavista Alberto, mula sa Cagayan State University Andrews Campus.

Nakakuha siya ng 91.10% rating sa naturang exam at masasabi niyang nakatulong ang paglalaro niya ng DOTA pantaggal ng kanyang stress habang nagrereview at naghahanda para rito.

Ayon sa Rappler, first year high school pa lamang si John nang magsimula siyang maglaro ng Defense of the Ancients.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

Nang tumungtong ng kolehiyo, nahilig naman siya sa iba pang mobile games. Kaya naman masasabing "happy-go-lucky" lamang siya noon.

Ngunit, sa kabila nito, di naman pabaya si John sa kanyang pag-aaral. Malaking bagay na nakapasok siya sa College of Allied Health Sciences (CAHS) sa Cagayan State University Andrews Campus na isa sa mau pinak-strikto polisiya sa pagtanggal ng mga estudyante at sa kung paano sila makatatagal sa unibersidad.

"[I was] playing PUBG (PlayerUnknown's Battlegrounds) po during the review. Parang naging stress reliever ko po siya after ng review,"kwento ni John.

Sa tuwing nababagot na siya sa review, naglalaro siya ng mobile games. At kapag nakuha niya ang target score niya para sa review noon, ginagantimpalaan niya ang kanyang sarili na maglaro rin.

Nababalanse niya talaga ang para sa iba'y pagsasayang ng oras na paglalaro at maging ang kanyang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi raw noon nakakuha ng anumang academic achievements si John.

Ang pagkuha pa nga ng kursong Medtech ay "last-minute decision" na lamang niya at balak niya sana noong kumuha ng accountancy.

Nang siya ay nasa 3rd year college niya, doon niya napagtanto na dapat pa niyang pagbutihin ang pag-aaral. Napapansin na ng mga propesor niya ang kanyang kakayahan kaya naisip niyang lalo pa itong pagbutihin. Mula rin noon ay consistent Dean's lister ito sa kanilang unibersidad.

Kaya naman nang malaman niya na siya ang nanguna sa board exam, tila di agad makapaniwala si John.

Siya ang unang nakaalam sa kanilang pamilya. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang mga magulang nang ipaalam ang napakagandang balita.

Isang napakalaking pasasalamat daw ang nais ipabatid ni John Steward sa lahat ng taong naniwala at sumuporta sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Mayor Isko, nag-excuse sa kanyang FB live dahil sa tawag mula sa anak

Mayor Isko, nag-excuse sa kanyang FB live dahil sa tawag mula sa anak

Mayor Isko, nag-excuse sa kanyang FB live dahil sa tawag mula sa anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel