Batang may malubhang sakit, nanawagan upang madugtungan ang kanyang buhay

Batang may malubhang sakit, nanawagan upang madugtungan ang kanyang buhay

-Umiiyak ang ina ng isang batang may malubhang sakit habang nananawagan sa pamamagitan ng social media

-Malaking halaga kasi ang kinakailangan ng batang si Rham Nigel upang patuloy na madugtungan ang kanyang buhay

-Nakakadurog rin ng puso ang panawagan ng batang si Nigel na hinihiling pang mabuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakadurog ng puso ang mga panawagan ng mag-inang Romina at Rham Nigel sa pamamagitan ng isang video sa social media.

Ang batang si Nigel ay may cancer at nangangailangan ng malaking halaga upang patuloy na madugtungan ang kanyang buhay.

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Malubha at mabagsik umano ang sakit na dumapo sa bata at dahil dito madalas na isalang sa kung ano-anong procedure.

Labis-labis ang hinagpis ni Romina dahil sa paghihirap ng kanyang musmos pang anak.

Samantala, sa kabila ng sakit na nadarama, nanawagan rin si Nigel ng tulong.

Napakasakit para sa ina nito na halos magmakaawa na ang bata para lamang mabuhay pa.

Anito, marami na siyang pagkain na hindi nakakain dahil sa sakit at maraming bagay na siyang hindi nagagawa dahil dito.

Humingi pa ito ng tawad dahil daw sa kanilang kakulitang mag-ina para lamang makahingi ng tulong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang umiiyak ang ginang ay pinupunasan naman ito ng batang si Nigel kahit pa nga ito ang siyang may sakit.

Nakiusap rin si Romina sa mga politiko para makahingi rin ng kaunting tulong para sa anak.

Nakakalungkot lamang na ang isang musmos na batang katulad ni Nigel ay dumaranas na agad ng matinding hirap dala ng sakit na walang pinipili.

Ang mga oras nito ay ginugugol sa ospital sa halip na naglalaro ito at nag-aaral.

Samantala, sa mga nais pong tumulong kay Nigel, narito ang mga impormasyong ibinigay nila sa Facebook post:

4349 0908 19

RAMELLE RODRIGUEZ

BPI

(NIGEL'S FATHER)

ROMINA AMATORIO

09293296776

NAVOTAS CITY

PALAWAN/CEBUANA/LBC

(NIGEL'S MOTHER)

000 190 399 597

RECHIE ORLANDO/ERVIN ORLANDO

BDO ACCOUNT

(RELATIVE)

5577 5193 1269 0101

SMART PADALA

(NUMBER NIO NALANG PO ANG ILAGAY)

GCASH

09663341675

Hangad ng KAMI ang lubusang paggaling mo Rham Nigel.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu gets honest about her upcoming face-off with Julia Barretto

Kim Chiu gets honest about her upcoming face-off with Julia Barretto

Kim Chiu airs honest thoughts about her forthcoming face-off with Julia Barretto
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel