21-anyos na nakikipaglaban sa Chronic Kidney Disease, may babala sa lahat

21-anyos na nakikipaglaban sa Chronic Kidney Disease, may babala sa lahat

-Nagbigay ng babala ang isang 21-anyos na lalaki tungkol sa kanyang kinakaharap na sakit sa kidney

-Aniya, wala siyang kamalay-malay na matagal na pala siyang mayroong sakit sa bato hanggang sa makaranas ng matinding sakit ng ulo

-Kumakatok naman sa may mga ginintuang puso ang binata para patuloy na makapag-pagamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, ibinahagi ng 21-anyos na binata na si Alvin G. Duran ang tungkol sa kanyang sakit.

Na-diagnose ng sakit na Chronic Kidney Disease ang binata at nasa stage 5 na raw ito.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

Kwento ni Alvin, Enero 2019 nang magsimula siyang makaranas ng matinding pananakit ng ulo.

Inakala raw nito na simpleng sakit ng ulo lamang ito kaya ininuman na lang ng gamot.

Nawawala naman ang sakit sa tuwing iinuman niya ito ng gamot ngunit pabalik-balik din ito ayon sa binata.

Ilang beses pa raw siyang nakaranas ng matinding sakit ng ulo hanggang sa hindi na niya kinaya at nagpadala na sa ospital.

Doon na nalaman na mayroon siyang CKG at agad-agad isinailalim sa dialysis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon raw sa doktor, dalawang kidney na ni Alvin ang hindi gumagana at puro gasgas na raw ang mga ito.

Posible umanong matagal nang mayroong sakit ang binata at binalewala lamang.

Inamin naman ng binata ang kanyang pagkahilig sa mga maaalat na pagkain at softdrinks.

Kaya naman nagbigay din ng babala ang binata para sa lahat upang hindi matulad sa kanya ang iba.

Samantala, kumakatok rin si Alvin sa mga may ginintuang puso na makakatulong sa kanyang tuluyang pagpapagaling.

Narito ang mga impormasyong ibinigay ng binata sa kanyang Facebook post:

BPI account.

#3479-1181-23

Maryrose Noche Magsino 03

Hangad ng KAMI ang paggaling mo Alvin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel