"Nasa bahay ang anak ko!", depensa ng ina ng suspek sa pagpatay kay Christine

"Nasa bahay ang anak ko!", depensa ng ina ng suspek sa pagpatay kay Christine

-Dinepensahan ng ina ng suspek sa pagpatay kay Chistine Silawan ang kanyang anak at sinabing nasa bahay ang anak niya noong gabi ng Marso 10

-Sabi pa umano nito, nagsasabwatan lamang ang mga pulis at ang mga witness ng mga ito para sa P2 milyong reward money

-Samantala, hindi pa naibibigay ang nasabing reward money dahil hindi pa nahuhuli ang dalawang suspek ayon sa alkalde ng Lapu-lapu City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsasabwatan lang daw ang mga pulis at ang mga witness ng mga ito laban sa suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan, ayon sa ina ng suspek.

Sa isang panayam ng Superbalita Cebu sa ginang, sinabi nitong humahanap ng ebidensiya laban sa kanyang anak ang mga awtoridad para mapaghatian ng mga ito ang P2 milyong reward money.

Kwento nito, Linggo ng umaga, Marso 10, araw ng pagpatay kay Silawan, nasa bahay ang kanyang anak at kinumpuni pa ang kanilang bubong.

PAY ATTENTION: The Amazing Cast Of Game Of Thrones In Then And Now (PHOTOS)

Hapon, naglaro naman umano ito ng basketball. 6:00 ng gabi, umuwi ito at kumain ng hapunan. Sumunod ay nanood ng TV. Pagkatapos ay natulog na ito.

Sabi pa nito, kung ito nga ang pumatay sa dalaga, hindi ito makakapasok sa eskwelahan kinabukasan dahil ito ay matutulala.

Babaero rin umano ang anak niya at hindi nagtatagal sa isang relasyon. Kilala naman umano nito si Silawan ngunit matagal na raw hiwalay ang mga ito.

Hindi rin kumbinsido ang ginang sa mga CCTV footage na ipinakita ng mga awtoridad. Paano raw ba nakasigurado ang mga ito gayong nakatalikod ang dalawa?

"Nasa bahay ang anak ko!", depensa ng ina ng suspek sa pagpatay kay Christine

Photo source: Screen grab from Cebu Daily News FB Live
Source: Facebook

Marso 12, isang araw matapos makita ang bangkay ni Silawan, pinuntahan umano ito ng mga pulis habang naglalaro ng basketball at dinala sa kung saan.

Umuwi naman raw ang anak at sinabi sa kanya ang nangyari.

Marso 13, NBI naman umano ang dumampot rito. Dinala ang binata sa kustodiya ng isang government facility.

Lunes ng gabi, Marso 18 na umano niya nakita muli ang anak.

Samantala, isang kaibigan naman ng suspek ang nagsabing kalaro niya ito ng baskeball noong gabi ng krimen at naghiwalay sila 7:00 ng gabi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang balut vendor naman ang nagpatunay sa pahayag ng kaibigan ng suspek at sinabing nakita niya ang dalawang teenager na naglaro ng basketball at bumili ng balut sa kanya.

Ayon naman sa kapatid ng suspek, hindi niya nakilala ng personal si Silawan ngunit naikwento sa kanya ng kapatid na naging nobya nito ang dalaga sa loob lamang ng limang araw dahil nakahanap na umano ng iba ang kapatid.

Ngunit sabi ni NBI Assistant Regional Director Dominador Cimafranca, matibay ang kanilang mga ebidensiya laban sa 17-anyos na suspek, ayon sa report ng Sun Star Cebu.

Nakuha mula rito ang mga damit na posibleng ginamit umano sa krimen at ang cap nito na may bahid pa ng dugo.

Maging ang cellphone ng suspek ay nakuha mula rito na isa pa sa malakas na ebidensiya ng mga ito.

Nauna nang naibalita ng KAMI na nadiskubreng puno ng malalaswang video at larawan ang cellphone ng suspek.

Ang reward money naman mula sa Lapu-Lapu City Government na nagkakahalaga ng P1 million ay hindi pa ini-re-release dahil hindi pa naman nahuhuli ang dalawang suspek ayon kay Mayor Paz Radaza.

"Nasa bahay ang anak ko!", depensa ng ina ng suspek sa pagpatay kay Christine

Photo source: Facebook
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’

JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’

JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel