Babaeng nagkaroon ng 'amnesia', umibig muli sa nobyong di na niya nakilala

Babaeng nagkaroon ng 'amnesia', umibig muli sa nobyong di na niya nakilala

- Dahil sa matitinding seizure na dinanas, nagkaroon ng amnesia ang babaeng si Jessica Sharman

- Di niya nakilala ang kanyang mga magulang maging ang kanyang nobyo

- Sa tiyaga at determinasyon ng nobyo na ligawan muli siya at na-in love muli si Jessica

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Destined" nga raw talaga sa isa't isa sina Jessica Sharman at Richard Bishop. Kahit pa kasi nagkaroon ng bahagyang 'amnesia' si Jessica at di na nakilala si Richard, nagawa pa rin ng lalaki na paibigin muli ang nobya sa kanya.

Taong 2010, papunta ng opisina ang magkasintahan nang biglang mag-seizure si Jessica. Noon, na-diagnose na si Jessica ng frontal lobe epilepsy, dahilan para mas madalas siyang sumpungin ng seizure o basta na lamang pangingisay.

Dumagdag pa sa karamdaman ni Jessica ang pagkakaroon ng bahagyang 'amnesia.'

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Di niya nakilala ang ina niyang papalapit sa kanya nang minsang nag-seizure siya. Maging ang kanyang ama at ang kanyang nobyo na halos araw-araw na niyang kasama ay di rin niya nakilala.

Nahirapan si Jessica sa mga nangyayari, ngunit di siya sinukuan ng mga nagmamahal sa kanya.

Sa pamamagitan ng mga larawan nila sa kanyang cellphone, pilit pinakikita ito ng ina ni Jessica sa kanya para maalala kung sino siya.

Ngunit hirap pa rin si Jessica na alalahanin lahat. Minsan ngang napahawak ang ina niya sa kanyang tuhod, inalis niya ito dahil para sa kanya, "ibang tao" pa rin ang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lalo na ang boyfriend niyang si Richard na madalas iwan sa kanya bilang kasama.

Di raw komportable noon si Jessica sa nobyo dahil di nganiya ito kilala.

Pero dahil sa tiyaga at determinasyon nitong ipaalala kay Jessica ang lahat lalo na kung paano niya ito alagaan, pumayag ang babae na makipag-date muli sa kanya.

Niligawan muli ni Richard si Jessica. Dinala niya ito sa mga lugar na lagi nila pinupuntahan, kumakain sa mga restaurants na kinakainan nila para maalala nila kumbakit nila minahal ang isa't isa.

Bagaman di pa tuluyang bumalik ang alaala ni Jessica, pinupuno na lamang niya ito ng bagong magagandang alaala kasama ang mga mahal niya sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel