Kempee de Leon, may tampo raw sa Eat Bulaga at payag maging host ng It's Showtime

Kempee de Leon, may tampo raw sa Eat Bulaga at payag maging host ng It's Showtime

- Nagpahayag umano si Kempee de Leon na may tampo siya sa Eat Bulaga

- Inamin din daw ng actor-host na payag siyang maging host ng It's Showtime

- Pero pag-amin naman daw ni Kempee na malaki ang utang na loob niya sa show

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon pa sa balita na nalaman ng KAMI, inamin umano ni Kempee de Leon na nagkaroon daw siya ng tampo sa mga taga-Eat Bulaga.

Saad pa sa balita ni Reggee Bonoan ng bandera.inquirer.net, pag-amin pa raw ni Kempee:

“I’m not blaming them at hindi naman mawawala na nagtampo talaga ako kasi wala akong sagot na nakuha or memo, pero hindi tayo puwedeng magmukmok ng ganu’n lang, so I have to do something, I have to move on, I have to make a decision, kailangan kong magtrabaho. Pero malaki ang nagawa sa akin dahil 14 years ako sa Bulaga.”

Tinanong din umano ang actor-host tungkol sa paglabas sa Eat Bulaga kung iimbitahin siya na mag-guest ngayon na nasa Kapamilya network na siya.

Sagot naman daw nito:

“Right now hindi ko masasabi. Nandoon pa rin ang tampo pero hindi naman magla-last ‘yun kung baga hinayaan ko na sa Diyos lahat."

Ibinahagi rin sa parehong balita na payag din umano si Kempee na maging host ng It's Showtime.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dugtong pa raw ni Kempee.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanila plus nandoon din ang daddy ko (Joey de Leon), naging part din ako ng Bulaga, 14 years ‘yun kaya thankful ako. Neutral lang si daddy kasi, kung baga I’m old enough."

Kamakailan, ibinahagi din namin ang balita na ipinaglaban ni Kempee de Leon ang pag-guest sa It's Showtime, ang karibal ng Eat Bulaga.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Month, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel