Angel Locsin, bet na gumanap sa bagong Marvel superhero role

Angel Locsin, bet na gumanap sa bagong Marvel superhero role

- Bet si Angel Locsin ng bagong Marvel superhero creator na gumanap bilang si Wave

- Ito ay ibinahagi pa ni Angel sa kanyang social media account

- Pero kahit na-excite ang The General's Daughter star ay tapos na raw siya sa mga superhero roles

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Spotted ng KAMI ang reply na tweet ng bagong Marvel superhero creator sa Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Inilahad na may isang bagong Filipino superhero na makakasama sa Marvel Universe na 'War of the Realms: Agents of Atlas #1' at ito ay pinangalanang 'Wave' na kilala rin bilang 'Pearl Pangan,' na nagmula sa Cebu at ang kanyang powers ay tubig at 'tech-based.'

Ang naturang karakter ay gawa at dinisenyo ni Leinil Yu na bet ang 'The General's Daughter' lead star na gumanap.

Pero ani pa ni Angel, tapos na raw siya sa mga superhero roles.

Narito ang kanilang palitan ng tweet:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Super excited naman ang mga netizens at faney ni Angel sa palitan ng tweet nila.

"Wow bagay na bagay sayo yan Ms. Angel Locsin as WAVE"
"OMG! Like last night I was wishing that maybe there’s a Filipino Hero for Marvel & now I see this post! Universe is conspiring! This will be awesome! If there’s a chance of a Filipino Actress, it’s only @143redangel who can swiftly deliver this character with an outstanding act!"
"Pwede. Pwedeng pwede. Looking forward for this. Bagay sayo ito Queen @143redangel "

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Makikita ngayon si Angel sa The General's Daughter.

POPULAR: Read more news about Angel Locsin here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Month, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dawn Zulueta at Dr. Vicki Belo, nag-twinning kasama ang kanilang mga mini-mes

Dawn Zulueta at Dr. Vicki Belo, nag-twinning kasama ang kanilang mga mini-mes

Dawn Zulueta at Dr. Vicki Belo, nag-twinning kasama ang kanilang mga mini-mes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel