Kaawa-awa! 14-anyos, tumatawid sa ilog at umaakyat ng bundok para kumita

Kaawa-awa! 14-anyos, tumatawid sa ilog at umaakyat ng bundok para kumita

-Sa kabila ng batang edad, mabigat na ang pasan ng 14-anyos na si Retche para mabuhay

-Ilang beses na ring nadisgrasya at muntik malagay sa panganib ang buhay ng bata

-Dahil sa matinding kahirapan, kinailangang isuong ni Retche ang sarili sa panganib, makakain lamang ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

14 taong gulang pa lamang si Retche Perante ngunit batak na ang isipan at katawan nito sa responsibilidad.

Sa pamamagitan ng programang Front Row, ipinakita nito ang pang-araw-araw na buhay niya at ng pamilya.

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Kumukuha ng uling at kopra si Retche sa bundok upang maibenta.

Gamit ang isang maliit na balsa, tinatawid ng bata ang isang ilog na aabot sa isang oras.

Pagkatapos nito ay aakyat naman siya sa bundok kung saan makukuha ang mga produktong ibebenta.

Pasan-pasan ang isang sako ng uling o kopra, muling ibaba nito iyon upang maisakay sa balsa pabalik sa kanilang lugar.

Ginagawa niya ito, dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento naman ng kanyang inang si Vilma, minsan na raw nalagay sa panganib ang buhay ng anak nang magkaroon ng bagyo doon.

Tumaas ang tubig sa ilog at muntik nang matangay si Retche na sa kabutihang-palad ay nasagip ng kanyang ama.

Hindi naman gusto ni Vilma na sumuong ang anak sa panganib at umakyat sa bubong, ngunit dahil sa matinding kahirapan, wala silang magawa.

Sa kabila nito, makikita pa rin sa musmos na mata ni Retche ang kasiyahan nang may maiuwi siyang pera sa kanyang ina.

Sa kabila ng mabilis na pagbabago ng buhay ng marami sa atin na kung minsan ay tila hindi pa rin sumasapat para tayo ay makuntento, may isang Retche na galak na galak na, kumita lang ng maliit na halaga para sa pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Canadian, nilayasan ng misis na Pinay na mayroon daw karelasyon na lesbian

Canadian, nilayasan ng misis na Pinay na mayroon daw karelasyon na lesbian

Canadian, dumulog kay Raffy Tulfo para makausap ang misis na Pinay na naglayas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel