Kempee de Leon, ipinaglaban ang pag-guest sa It's Showtime sa Eat Bulaga

Kempee de Leon, ipinaglaban ang pag-guest sa It's Showtime sa Eat Bulaga

- Sa panayam ng press, isiniwalat ni Kempee de Leon na ipinaglaban niya ang pag-guest sa It's Showtime

- Inamin ng actor-host na sinabihan daw siya ni Malou Choa-Fagar ng Eat Bulaga tungkol sa paglabas sa karibal na show

- Pero ipinaglaban niya raw ito dahil kailangan niyang i-promote ang bagong Kapamilya teleserye na kabilang siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan ng KAMI ang paglahad ni Kempee de Leon tungkol sa guesting niya sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Ayon pa sa kuwento niya sa presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang 'Nang Ngumiti Ang Langit,' na kailangan daw niyang ipaglaban ang pag-guest sa It's Showtime.

Nagkaroon daw sila ng 'text conversation' ng top executive ng TAPE, Inc. ang producer ng Eat Bulaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagsiwalat pa ni Kempee:

"I'd been with 'Eat Bulaga' for 14 years and then wala na ako sa kanila for 3 years. Si Tita Malou Choa-Fagar (TAPE executive) tinext niya ako about that at sabi niya kumbaga since katapat ng 'Eat Bulaga' parang hindi puwede mag-guest dahil katapat ng 'Eat Bulaga.' Sabi niya it's work ethics naman. Pero ipinaglaban ko. Sabi ko gusto ko mag-guest."

Dugtong pa ng actor-host:

"Sabi ko I'm just being professional to my work, and at the same time lumipat na naman ako. I'm not with them. So gusto ko i-promote 'yung show. Hindi naman po porke nag-guest ako sa 'Showtime' ay kinakalaban ko po sila. It's about promoting the show 'Nang Ngumiti Ang Langit."

Pagtatapos pa nya:

"Sabi ko kay Tita Malou sana po walang personalan, trabaho ko po ito. It's my choice and I had to move on."

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Si Kempee de Leon ay dating dabarkads ng Eat Bulaga at ngayon ay Kapamilya.

Kasama siya sa bagong teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang 'Nang Ngumiti Ang Langit' na eere na ngayong March 25 bago mag-It's Showtime.'

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Month, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel