Estudyanteng pinadalhan ng mensahe ng isang konduktor ng bus, na-bash pa ng netizens

Estudyanteng pinadalhan ng mensahe ng isang konduktor ng bus, na-bash pa ng netizens

- Galit na binahagi ng isang estudyante ang personal message daw ng konduktor sa kanya

- Di lamang siya ang nakatanggap nito kundi maging ang kanyang kaibigan kaya naman galit ang estudyante na pakiramdam niya ay "unprofessional" daw ang ginawa ng konduktor at nanghimasok ito sa kanyang pribadong buhay

- Imbis na unawain, nakatanggap pa ang estudyanteng ito ng pambabatikos mula sa ilang netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan kamakailan ang post ng estudyanteng si Lynette Alcantara noong Marso 11, dahil lamang sa isang mensahe na natanggap niya di umano mula sa konduktor ng sinakyan niyang bus.

Sa umpisa pa lang ng post ni Lynette, halatang galit na ito at napamura talaga siya sa nagawa ng konduktor.

Ang punto kasi ng estudyante, binibigay nila ang ID nila sa mga konduktor para magkaroon ng discount sa bus at di para sa iba pang bagay.

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Sa kasong ito, pakiramdam di umano ni Lynette na napanghimasukan ng konduktor ang kanyang pribadong buhay dahil sa mensaheng pinadala nito sa Facebook Messenger ng estudyante.

Nilinaw din ni Lynette na kaya niya ito binahagi ay upang malaman din ng publiko lalo na ng tulad niyang estudyante na maaring makuha na lamang ang kanilang impormasyon sa pagkuha at pagtingin ng kanilang ID upang makumpirma kung totoo nga ba silang estudyante.

Ang malala, di lamang si Lynette ang pinadalhan ng konduktor ng mensaheng "Ingat ma'am, salamat sa pag sakay!" kundi pati rin ang kaibigan niya.

Dahil dito, binalak ni Lynette na gumawa ng aksyon sa insidente dahil nagpakita raw ang konduktor ng "unprofessionalism" at isa raw itong "issue of privacy breach."

Samantala, imbis na unawain at kampihan tila nabatikos pa si Lynette sa kanyang post na ito.

Ayon sa ilang netizens, "papansin", "feeling maganda" "pasikat" lamang daw si Lynette at wala naman daw silang nakikitang masama sa ginawa ng konduktor.

Ilan lamang ito sa mga masasakit na kinomento ng netizens na naging "OA" pa raw si Lynette sa nangyari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"Bobo mo ate napaka o.a mo .anong masama jan eh buti nga may pag iingat at pasasalamat pa ...ang ganda2x mo nman .eh kung nagmura iyan at nambastos iyan pwede natin kuyugin...wag kang o.a nakakagigil sinisira mo ang mga pagkalalaki namin .masamang bang mag care sa inyo..."
"bobo feeling maganda lang?"
"Sobrang bigat nman ng pinaglalaban mo ate, sana binlocked mo na lang. Pasikat ka!"
"Grabe Naman kayo mang discriminate Ng tao Malay mo nagustohan ka lang ni manong conductor nagandahan lang siya sayo Yan ang hirap satin eh napaka Dali nating manghusga Ng kapwa"
" Bigay mo saken fb ni kuya.Ako na mag sasabi ng "Welcome po kuya sa uulitin po sana makasakay ulet ako sa bus nyo, salamat po sa care! Ingat po godbless" napakadali diba??? Baket hindi mo nagawa sis?"

Gayunpaman, may ilan pa ring tila nakaunawa ng punto ng babae at pinagtanggol ito sa pambabatikos na natanggap.

Narito naman ang kanilang komento:

"Yung mga nagagalit dahil pinost ni Ate yung message nung konduktor, siguro kayo yung tuwang tuwa na kina-cat call or what. Sorry ha, pero kasi kami, hindi masarap sa pakiramdam yung ganyan, maganda man kami o hindi."
"actually nakatulong kasi may mga girls na lumabas at nagsabi na minessage din sila ng same guy. so...ayun"
"Dito sa Pinas kabobohan to, sa ibang bansa mo to gawin breach of privacy tawag sa ganito. Yes she can simply ignore this. Pero fact check, di kasama sa trabaho ng kunduktor na isearch ka sa social media. Yes nagpasalamat lang at nagsabi ng ingat, pero bakit? Why go as far as send a personal message? Cat calling nga ng di mo kilala pwede mo kasuhan. Yun pa kayang ginamit personal data mo para makahanap ng means para makipag communicate sayo.‍♀️ Hindi pabida si ate. Unprofessional lang talaga yung ginawa ni kuya."
"yan ung di.nila maintindihan basta comment nalang sila ng di nmn iniintindi ung post"

Umabot na sa 25k reactions, 31,000 comments at 14,000 shares ang naturang post

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
15-anyos, nagtayo ng 24/7 na library para sa kabataan

15-anyos, nagtayo ng 24/7 na library para sa kabataan

15-anyos, nagtayo ng 24/7 na library para sa publiko
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel