P19,000, sinauli ng holdaper sa kanyang biktima matapos makita ang account nito

P19,000, sinauli ng holdaper sa kanyang biktima matapos makita ang account nito

-Sinauli ng isang holdaper ang kukunin niya sanang pera sa kanyang biktima

- Nilapitan niya ang kanyang biktima habang ito ay nasa ATM pa, at pinilit na buksan muli ang account nito

- Ngumiti at umalis na lamang ang holdaper nang makita nito ang laman ng account ng babaeng kanya sanang pagnanakawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaibang 'holdapan' ang naganap sa Guangdong city of Heyuan, China noong February 16, kung saan nagawang isauli pa ng holdapaer ang perang kukunin sana niya sa kanyang biktima.

Ayon sa Inquirer.net, nakita sa isang video na nagwithdraw ang babae ng halagang 2,500 Yuan o nasa 19,000 PHP.

Biglang sumulpot ang holdaper na may hawak na patalim at pinilit nitong tingnan ng babae ang kanyang balanse sa account.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Nang makitang wala nang laman ang kanyang account, ibinalik na lamang ng holdaper ang pera sa babae. Nagawa pa nitong ngumiti bago umalis.

Nakita pa sa ibang kuha ng CCTV na kaswal lamang itong naglakad papalayo sa ATM habang hawak ang kanyang cellphone.

Dahil dito natulala ang babae na tila di makapaniwala sa nangyari. Handa raw kasi ang biktima na ibigay na lamang daw ang lahat ng kanyang pera huwag lamang daw siyang saktan nito.

Nahuli pa rin ang lalaki at nasa kustodiya ng pulisya sa kabila ng mga papuring natanggap nito sa mga netizens. Tinagurian nila itong “world’s kindest crook.”

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel