Pinay OFW, kumain ng mula sa basurahan dahil di umano siya pinakakain ng amo

Pinay OFW, kumain ng mula sa basurahan dahil di umano siya pinakakain ng amo

- Binahagi ni Leona Garcia Artiaga ang video ng isang Pinay na kumakain na ng tirang basura mula sa basura

- Nasa anim na raw itong di kumakain dahil di pinakakain ng amo kaya napilitan siyang kumain ng mula sa basura

- Kinilala ang OFW na si Gina Abcede na domestic helper sa Saudi Arabia at nangangailangan nga siya ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang Pinay OFW sa Saudi Arabia na napilitang kumain ng tirang pagkain na galing na sa basura.

Ayon sa post ni Leona Garcia Artiaga, di raw kasi iniwanan ng pagkain ang OFW ng kanyang amo at anim na araw na itong kumakalam ang sikmura.

Sa pamamagitan ng isang video, pinakita niya kung paano niya nagawang kumain ng mula na sa basurahan.

PAY ATTENTION: The 25 Wealthiest Families In The United States Revealed

Halos masuka-suka pa nga si Gina habang kumakain. Pinakikita rin niya na galing mismo sa basurahan ang pagkaing kanyang diretsong sinusubo sa kanyang bibig para maibsan lamang ang gutom.

Sa caption ni Leona sa kanyang post, mabuting tao raw ang OFW na si Gina Abcede at di raw nararapat ang ganitong pagtrato sa kanya ng kanyang amo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Humingi na rin ng tulong si Leona para kay Gina dahil baka tumagal pa ang ganitong sitwasyon ng kababayan.

Ayon sa update ni Leona, may nag-interview na kay Gina na mula sa DZMM at naghihintay na lamang ito ng aksyon upang makauwi na lamang sa Pilipinas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng ice cream vendor na ginagaya si "Boyet", nag-viral

Video ng ice cream vendor na ginagaya si "Boyet", nag-viral

Video ng ice cream vendor na ginagaya si "Boyet", kinagiliwan ng mga netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel