Nanay, patay nang sitahin ang lalaking nang-molestiya umano sa anak nito

Nanay, patay nang sitahin ang lalaking nang-molestiya umano sa anak nito

-Dalawang tama ng baril ang ikinamatay ng isang babae sa Pangasinan matapos sitahin ang lalaking nang-molestiya umano sa kanyang anak

-Sabi naman ng naarestong suspek, dinepensahan lang niya ang sarili mula sa biktima

-Hustisya ang sigaw ng mga anak ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang isang ginang sa Barangay Capulaan, Villasis, Pangasinan matapos itong pagbabarilin ng lalaking nang-molestiya umano sa anak nito.

Dalawang tama ng baril ang ikinamatay ng ginang.

PAY ATTENTION: Forbes Top 10 Wealthiest Celebrities In 2018

Ayon sa ulat ng GMA News, sinita ng biktima ang suspek dahil sa ginawa umano nito sa menor de edad na anak nito.

Sabi naman ng naarestong suspek, dinepensahan lang niya ang kanyang sarili dahil may dala umanong bolo ang ginang!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit hindi na ito nagbigay pa ng pahayag nang tanungin tungkol sa pang-mo-molestiya sa anak ng biktima.

Ang isang anak naman ng biktima, hindi matanggap ang nangyari sa ina. Inulila nito ang mga bata pa nitong mga anak.

Nadamay naman ang dalawang kaanak ng suspek dahil sa pagtatago umano ng mga ito sa baril na ginamit ng suspek na nakuha rin ng mga pulis sa bahay nito.

Itinanggi ito ng isa sa mga kaanak ng suspek na nakakulong kasama nito habang ang isa ay 'di na nagbigay ng pahayag.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel