Batang magaling mag-chopsticks sa viral videos, nakikipaglaban pala sa leukemia

Batang magaling mag-chopsticks sa viral videos, nakikipaglaban pala sa leukemia

- Si HaiHai ang cute na chinese little boy mahusay mag-chopsticks sa kanyang mga viral videos

- Sa likod pala ng masasayang ngiti sa tuwing siya ay kumakain ay ang mapait na karamdamang kanyang pinaglalabanan

- Labis na pagsubok ang dinaranas ng kanilang pamilya dahil bukod sa pagkakaroon ng leukemia ni Haihai, may cancer sa dibdib ang lola nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilala si Haihai sa pagiging isang "chopsticks-pro" sa edad na dalawang taong gulang lamang. Makikita siya sa mga viral videos niya na sarap na sarap kumain lalo na ng paborito niyang dumplings.

Ngunit sa likod pala ng mga ngiti at saya niya tuwing kumakain ay ang sakit na dinaranas niya dahil sa malubha niyang karamdaman.

Ayon sa South China Morning post, na-diagnose na may leukemia si Haihai noong isang taong gulang pa lamang siya.

PAY ATTENTION: The 25 Wealthiest Families In The United States Revealed

Ang masaklap pa sa sitwasyon kanilang pamilya, may cancer sa dibdib pa ang kanyang lola kaya naman dalawa silang inaalagaan at inaasikaso.

Ito ang dahilan kumbakit natuto si Haihai na kumain na mag-isa dahil minsan, kinakailangan niyang gawin ito kung wala siyang bantay.

Kahit pa ang pag-inom ng gamot niyang mapait ay napag-aralan na rin ni Haihai. Para siyang matanda na kung uminom ng kanyang tabletas na gamot at siya pa mismo ang nagsusubo.

Ayon sa ina niya, matapang na bata si Haihai at talagang determinado pa itong humaba ang kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinakaya raw nito lahat ng mga ginagawa sa kanya para sa kanyang pagpapagaling. Ngunit ang labis nitong kinatatakutan lamang ay ang mga turok sa kanyang lumbar na sobrang sakit daw talaga. Doon lamang maririnig na umiyak ang masayahin si Haihai.

Tuwing matatapos ang mga medical procedures na ito, ginagantimpalaan siya ng kanyang ina ng paborito nitong dumplings. Habang siya ay kumakain, tila nawawala ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.

Humihiram lamang noon ng pera ang pamilya nina Haihai sa mga kamag-anak nila at kaibigan.

Ngunit dahil sumikat na si Haihai sa social media lalo na sa China, nagkaroon na ng income ang kanilang pamilya.

Dito na rin sila nakakakilala ng mga taong may mabubuting puso na handang tumulong sa batang si Haihai upang madugtungan ang kanyang buhay at dumami pa ang kanyang mga videos na nakapagbibigay ng saya sa marami.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel