Patay na balyena sa Compostela valley, puno ng nakakadiring plastic ang loob ng katawan

Patay na balyena sa Compostela valley, puno ng nakakadiring plastic ang loob ng katawan

- Nakakaawa na nakakadiri raw ang loob ng katawan ng patay na balyenang natagpuan sa Compostela valley

- Nasa 40 kilos na plastik ang nakain umano nito at talaga raw "disgusting" ang hitsura nito ayon sa marine biologist na si Darrell Blatchley at Dr. Elaine Vera Belvis ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources

- Maglalabas daw ng listahan ang D’ Bone Collector Museum Inc.ng mga plastik at iba pang basura na natagpuan nila sa bituka ng balyena

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang balyena ang natagpuang patay sa isang baybayin sa Compostela valley.

Ayon sa Yahoo Philippines, Marso 16 nang umaga nang makatanggap ng tawag ang D' Bone Collector Museum Inc. na mayroong balyenang natagpuan sa lugar.

Agad nila itong pinuntahan upang ma-eksamin at nalaman nilang isang male curvier beaked whale ang natagpuan. Buhay pa ito nang makarating sa baybayin, ngunit di nagtagal ay binawian na rin ito ng buhay.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Labis na nakaaalarma ang laman ng bituka nito dahil sa umabit sa 40 kilos ng plastik ang natagpuan nila at ito ang pinaka-maraming basura partikular na ang plastik na nakita nila sa isang balyena.

Ang ilan sa nakitang laman nito ay mga sako ng bigas at saging, at napakaraming shopping bags.

Ayon kina marine biologist na si Darrell Blatchley at Dr. Elaine Vera Belvis ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nakakadiri raw ang laman ng bituka ng balyenang ito na puno talaga ng basura.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maglalabas din sila ng listahan ng eksaktong bilang at uri ng basura na nakuha nila sa loob ng balyena.

Lubhang nakababahala na ang lagay ng ating mga anyong tubig dala ng polusyon. Maaalalang Agosto nang nakaraang taon, nagbahagi din ang BFAR ng larawan ng patay na whale shark na ang dahilan ng pagpanaw ay ang labis na nakaing basura mula sa ating karagatan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Enter headline
GMA Network may face a huge fine and suspension for Eddie Garcia's accident

Enter headline GMA Network may face a huge fine and suspension for Eddie Garcia's accident

GMA Network may face suspension and a P100K fine for Manoy's accident
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel