May-ari ng isang cafe', binigyan ng trabaho ang pulubi na dating magnanakaw

May-ari ng isang cafe', binigyan ng trabaho ang pulubi na dating magnanakaw

- Hinangaan ang cafe' owner ng Minneapolis, Minnesota nang magtiwala ito sa isang pulubi at pinagtrabaho niya ito sa kanyang restawran

- Dati raw na magnanakaw ang pulubi dala ng kahirapan kaya naman di na ito muling nakakuha ng trabaho

- Nanlilimos lang sana ang lalaking ito ngunit nagkaroon ng oras si Abi, ang may-ari ng cafe' at kinausap ang pulubi bago niya ito alukin ng trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa kahanga-hangang kwento ng isang may-ari ng cafe' na binigyan ng trabaho ang namamalimos na pulubi.

Ayon sa panayam ng Fox 9 kay Cesia Abigail, lagi na niyang nakikita ang lalaking pulubi na ito. Isang araw na sinubukan umano nitong mamalimos kasi Abi, kinausap na niya ito.

Dahil sa mayroong oras si Abi nang araw na iyon, tinanong niya ang pulubi at inalam ang kwento ng buhay nito.

Nalaman niyang dati pala itong magnanakaw at mamatay tao kaya di basta ito makakuha ng trabaho.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Ngunit, imbis na bigyan ng limos, hinayaan niyang maging dishwasher ang pulubi at taga-tapon ng basura.

Kitang kita raw ni Abi ang galak sa mukha ng pulubi. Nang bigyan pa niya ito ng pagkain, imbis na sarilihin, binahagi rin niya ito sa mga kapwa niya pulubi na nasa labas lang ng cafe.'

Nang makita ni Abi ang mabuting kalooban ng lalaki, saka siya nagdesisyong ipagpatuloy ang pagpapatrabaho rito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maayos din kasi ang pinakita nitong ugali sa trabaho gaya ng pagpasok sa oras at maayos na ginagampanan ang mga dapat niyang gawin.

Dahil dito, marami ang humanga sa 25 anyos na cafe'owner dahilan para dagsain din ng mga customer ang kanyang restawran.

Tila naging swerte na rin sa kanya ang pagtulong na ito sa pulubi.

Marami ang nagsasabi na anghel si Abi sa pulubi ngunit para sa kanya, ito pa nga ang tila naging anghel sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel