Nostradamus ng social media, nakita ang problema sa tubig na nangyayari na ngayon

Nostradamus ng social media, nakita ang problema sa tubig na nangyayari na ngayon

- Isang netizen ang muling nagbahagi ng kanyang pakikipag-usap sa tinaguriang Nostradamus ng social media na si Jay Costura

- Kaibigan niya ang nagbahagi ng post patungkol sa "Fire and water" na magaganap sa bansa at tila nagkatotoo na ito sa kawalan ng tubig na nagyayari ngayon sa Metro Manila

- Hiling din ni Jay na magparamdam at magpakita sa kanya si Christine Lee Silawan, ang 16 anyos na brutal na pinatay sa Lapu-Lapu ciy sa Cebu upang matulungan niyang mabigyang hustisya ang pagkamatay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang na-feature sa Kapuso mo Jessica Soho ang kwento ng mga premonisyon ni Jay Costura na may abilidad na makakita ng nakaraan at maaring mangyari sa isang tao o maging sa paligid niya.

Nalaman ng KAMI na ang ilan sa kanyang pangitain na nagkatotoo ay ang sunog sa Resorts World Manila kung saan naramdaman niya ang init na iyon pala ay simbolo ng apoy, Ang pagsadsad ng eroplano na nangyari nga sa Xiamen Airlines, at ang pagpapalikas niya sa mga taga Marikina na iyon pala ay ang ipo-ipong sumira sa ilang mga kabahayan doon.

Kamakailan, sa Facebook page mismo ni Jay, isang kaibigan niyang may pangalang Eon Marimel Guerrero Cleofas ang nagbahagi ng naging usapan nila.

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Dito may pangitain sila na patungkol sa "Fire and water" ngunit di pa ito malinaw sa kanila noon.

Mapapansing makailang beses na na may naganap na matitinding sunog sa bansa nang pumasok pa lang ang 2019.

Ngayon, damang dama na ng mga taga-Metro Manila ang krisis sa kawalan ng tubig na nagsimula kamakailan.

Ito raw marahil ang pangitain na "Fire and water" kung saan pagdudusahan ng ating mga kababayan.

Ang maganda sa ginagawa ni Jay, bukod sa pagbibigay niya ng babala, hinihikayat niya ang mga tao na magdasal palagi dahil ito raw ang mabisang panangga sa mga masasamng maaring mangyari pa lamang.

May ilan din na may kapareho niya ng abilidad at sinasabihan din ito ni Jay na huwag humintong tumulong sa mga tao lalo na sa mga nakikita nila sa maaring mangyari sa bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Madalas sa panaginip niya ito nakikita at nararamdaman, kaya naman minsa'y detalyado ang nakikita niyang premonisyon at minsan din naman ay tila mga simbolo lamang.

Isa rin sa hinihintay niya ay ang pagpaparamdam sa kanya ni Christine Lee Silawan na brutal na pinatay, tinalupan ng mukha hanggang sa makita ang bungo sa Lapu-Lapu city.

Wala pa mang pangitain na nakikita si Jay tungkol sa totoong nangyari sa 16 anyos na dalagita, hiling ni niya na mabigyang hustisya ang pagkamatay nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng ina na dinalaw ang anak sa una nitong trabaho, viral

Video ng ina na dinalaw ang anak sa una nitong trabaho, viral

Video ng ina na dinalaw ang anak sa una nitong trabaho, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel