Banda sa viral video na pumalo na ng 7 million views, lalong napansin sa 'ASAP' stage

Banda sa viral video na pumalo na ng 7 million views, lalong napansin sa 'ASAP' stage

- Bumida sa ASAP ang mahusay na acoustic bang na tubong North Cotabato sa ASAP nitong Linggo

- Nag-viral ang video ng kanilang pag-eensayo lamang na binahagi ng kanilang math teacher

- Nakipagsabayan ang Jammers session sa husay sa pag-awit nina Daniel Padilla, Jed Madela at Jason Dy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang mas lalong bumilib sa Jammers session band na nasa viral video kamakailan nang sila ay bumida sa ASAP stage.

Napansin ang kanilang husay sa pag-awit at pagtatanghal nang pumao sa 6.8 million views ang video na binahagi ng kanilang gurong si Endricito Cahutay.

Nalaman ng KAMI na di inaasahan ng guro na mapapansin ang galing ng mga estudyante niya sa pagkanta ng "You're the inspiration" ng bandang Chicago dahil sa nag-eensayo lamang sila nang kunan ng video.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN sa grupo, nagsimula ang lahat nang alukin silang bumuo ng banda upang sumali sa isang acoustic battle sa kanilang lugar sa North Cotabato.

PAY ATTENTION: 12 Times Meghan Markle Went Against Royal Rules

Mula noon, pinagpatuloy na nila ang mag-cover ng mga classic love songs ng iba't ibang banda.

Tila nasa dugo ng bawat isa ang musika. Gaya na lamang ni Mark Magallon na kanilang gitarista kung saan namana raw niya ang galing sa pagtuugtog sa kanyang ama. Grade 1 pa lamang siya nang magsimula siyang mag-gitara.

Inspirasyon naman ng bokalista na si Junreal Gonzaga ang ina na isang kasambahay. Mag-isa lamang daw itong sumusuporta sa kanila kaya naman din siya nagpupursige upang makatulong sa ina.

Pamilya rin ang inspirasyon ng isa pang gitarista na si Fred Sales.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang beatbox player naman nila na si Jerome Yabut ay labis na pinagmamalaki ang mga maglang niyang nagtataguyod sa kanilang 12 magkakapatid.

Si Jemril Martin na isa pa nilang bokalista ay isang working student na wala ring ibang hangad kundi ang makatulong sa pamilya. Siya rin ang pinakamatanda sa grupo dahil sa edad niyang 22, nasa grade 11 pa rin siya ngunit di raw niya ito kinakahiya.

Sa kuwento ng kani-kanilang buhay, mas lalong humanga sa kanila ang publiko. Sa edad nilang 17 hanggang 22, tiyak na malayo pa raw ang mararating ng kahanga-hangang bandang ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities react to Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel