Jonas Bueno, nagsalita kaugnay sa pagpatay umano niya kay Christine Silawan

Jonas Bueno, nagsalita kaugnay sa pagpatay umano niya kay Christine Silawan

-Itinanggi ng itinuturong suspek na si Jonas Bueno ang kaugnayan niya sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan

-Aniya, matagal na siyang nagtatago sa mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa ilang kaso ng pagpatay

-Ayon sa pahayag ng PNP Lapu-lapu, person of interest lang si Bueno at hindi ang primary suspect sa kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na ang naarestong si Jonas Bueno, ang itinuturong isa sa mga suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Itinanggi ni Bueno na may kinalaman siya sa krimen ayon sa ulat ng News5.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

“Hindi po, ma’am, nasa Buenavista na po ako nung March 5, 2018. Mahigit isang taon na ako dito,” anito sa Visayan dialect.

Sabi pa nito, noong isang taon pa siya nagtatago sa mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa iba't-ibang kaso ng pagpatay.

Bumalik lamang siya sa Davao nitong buwan kasama ang anak at ang kinakasama para magtrabaho bilang construction worker.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Problema talaga, ma’am may kaso kasi ako dati. Pinatay ko si Buboy sa Carmen, Cebu. Bale parang idinagdag nalang kasi nga nagtago ako,” dagdag pa nito.

Samantala, una nang iginiit ng PNP Lapu-lapu City, hindi si Bueno ang tinutukoy nilang primary suspect at person of interest lamang ito.

Naiugnay ang pangalan nito dahil sa pagkakapareho ng pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City at ng kaso ni Silawan, kung saan suspek si Bueno.

Mabilis na kumalat ang larawan at impormasyon tungkol kay Bueno noong Huwebes nang i-upload ito ng isang media company at sinabing ito ang primary suspect sa kaso ng 16-anyos na dalaga.

Maging ang ina ng biktima ay hindi kumbinsido na ito nga ang siyang pumatay sa anak na una nang naibalita ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkasintahang kinakasal, tinuloy ang seremonya kahit niyayanig na ng lindol

Magkasintahang kinakasal, tinuloy ang seremonya kahit lumilindol

Magkasintahang kinakasal, tinuloy ang seremonya kahit niyayanig na ng lindol
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel