Childhood lovers na walang komunikasyon sa loob ng 18 taon, nagkatuluyan pa rin

Childhood lovers na walang komunikasyon sa loob ng 18 taon, nagkatuluyan pa rin

- Marami ang namangha sa binahaging kwento ng isang babae kung paano pa sila nagkatuluyan ng kanyang 'puppy love' makalipas ang 18 taon

- 10 taong gulang pa lamang daw sila noon at masasabi nilang unang pag-ibig nila ang isa't isa, ngunit di inaasahang magkakahiwalay sila at mawawalan ng komunikasyon sa matagal na panahon

- Matapos ang halos dalawang dekada, nahanap ng babae ang lalaki at di na nila pinakawalan pa ang isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatunaw ng puso ang kwento ni Martha San Jose-Villanueva kung saan binahagi niya ang kuwento kung paano pa sila nagkatuluyan ng inaakala lamang niyang 'puppy love.'

Sa cosmo.ph nilahad niya ng buong puso kung paano niya naramadamang kiligin sa edad na 10.

Taong 1992, kaklase niya raw noon si JP, na masasabi niyang kabaliktaran ng kanyang ugali.

Nilarawan niya ang kanyang sarili bilang "teacher's pet" at "prim-and-proper girl" habang si JP naman ang "clown" ng klase.

Nagbago ang lahat nang kumalat na sa kanilang klase na "crush" ni JP si Martha. Mula noon, di na nawawala ang tuksuhan lalo na kung nagpapapansin si JP kay Martha.

Sa murang edad, nagagawa nang mag-effort ng batang lalaki sa kanyang crush. Nandung makinood siya ng 'The Little Mermaid' play sa kanilang paaralan kahit pa siya lang ang lalaki makasama lang si Martha.

PAY ATTENTION: 15 Traits That Meghan Markle Has In Common With Princess Diana

Isang Valentine's day pa nga raw, sinulatan ni JP si Martha ng "I love you very very very very very much", at aminado namang sobrang kinilig ang babae.

Ngunit isang di inaasahang pangyayari ang nagbigay ng maagang heartbreak kay Martha. Bigla na lang lumipad ang pamilya ni JP papuntang USA at di manlang sila nakapagpaalam sa isa't-isa.

Nagkaroon naman ng tiyansa na makuha ni Martha ang address noon ni JP sa kaibigan ng ate nito.

Sumulat siya noon sa lalaki ngunit di na niya nalaman noon kung nakarating nga ba ang kanyang mga sulat.

Lumipas pa ang panahon at maagang bumuo ng pamilya sina Martha at JP sa kani-kanilang karelasyon noon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Aminado si Martha na naiisip pa rin niya noon si JP paminsan-minsan. Sinubukan pa niya noong hanapin ito sa Friendster at MySpace ngunit bigo pa rin siyang mahanap ang kanyang 'first love.'

2009 nang dumating ang isang malaking pagsubok kay Martha. Di niya malaman kumbakit bigla niyang naisip ang mukha ni JP noong sila ay 10 taong gulang pa lamang.

Pebrero ng taong 2010, nakita ni Martha ang Facebook ng kapatid ni JP.

Makalipas ang 18 taon, nahanap na niya sa wakas si JP. Panibagong hamon na naman ang kanyang hinarap dahil sa 'long distance relationship' nila ng kanyang 'puppy love.'

Pero dahil sa naniniwala siyang si JP na nga ang "the one" para sa kanya, di na muli nila binitawan ang isa't isa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel