Batang natagpuan sa karagatan noong 1961, binunyag ang nangyari matapos ang 50 na taon

Batang natagpuan sa karagatan noong 1961, binunyag ang nangyari matapos ang 50 na taon

- Matagal na nilihim ng batang babaeng natagpuang palutang-lutang sa Bahamas ang totoong kuwento kung ano ang nangyari sa kanya

- Isang karumal-dumal na krimen ang naganap sa pamilya ng bata noon na nakilalang si Terry Jo sa isang cruise na dapat ay isang masayang pagtitipon ng kanilang pamilya.

- Nang matagpuan si Terry Jo, nagpakamatay na ang salarin kung bakit ito naulila at kung bakit niya naranasang magpalutang-lutang sa Bahamas sa loob ng 84 na oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naintriga sa kwento ng kontrobersyal noong batang babae na natagpuang palutang-lutang sa Bahamas noong 1961.

Sa video na binahagi ng Facebook page na Ang Marino, nilahad ang totoong nangyari kay Terry jo Duperrault.

Taong 1961 nang naisipan ng ama ni Terry Jo na si Arthur na mag-cruise kasama ang kanyang pamilya.

Si Jean ang nanay ni Terry Jo, Brian na noo'y 14 anyos lamang, Rene, ang ama ni Terry Jo at siya na noo'y 11 anyos lamang ang magkakasama sa isa sanang masayang kaganapan sa kanilang mag-anak.

PAY ATTENTION: 15 Traits That Meghan Markle Has In Common With Princess Diana

Rumenta pa talaga sila ng sailboat para sa naiibang lakad ng kanilang pamilya. Sinama rin ni Arthur ang kaibigan nitong si Julian Harvey na siyang magiging piloto ng bangka.

Sinama rin ni Julian ang kanyang asawa na si Mary Dene sa paglalayag kasama ang pamilya ni Terry Jo.

Sa ikalimang araw ng kanilang paglalayag, nagising na lamang si Terry Jo sa mga sigawan at tila mga dabog sa kanilang bangka.

Laking gulat niya nang makita na ang kanyang kapatid na lalaki at ina at duguan na at nakahandusay na lamang.

Nagawa na ring lunurin ni Julian ang asawa niyang si Mary Dene nang magising si Terry Jo saka pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang buong pamilya ni Terry Jo.

Napag-alamang malaki ang problema ni Julian sa pera at naisip niyang patayin ang misis upang nakakuha ng pera sa insurance nito.

Marahil, saksi ang ama ni Terry Jo sa pangyayari kaya nagawa na rin silang patayin ni Julian.

Sa kakamadali, di na nito nagawang patayin si Terry Jo at tinapon na lamang ito sa dagat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinalubog ni Julian ang yate upang masabing nalunod ang kanyang misis sa pangyayari.

Ilang araw pa bago natagpuan ng isang barko ang palutang-lutang na si Terry Jo sa karagatan.

Nagulat sila dahil sa inaasahan nilang wala nang nabuhay pa sa pamilya ng bata.

Himala rin daw na nabuhay pa ito sa loob ng 84 na oras na walang kinakain at wala manlang proteksyon sa kanyang sarili sa init ng araw.

Agad na sinugod sa ospital ang bata na noon ay hinang hina na talaga.

Isang araw matapos ang pagkakaligtas kay Terry Jo, nagpakamatay naman si Julian.

Kaya naman nanatiling misteryo hanggang ngayon kung bakit pinakawalan ni Julian si Terry Jo gayung pinatay nito ang lahat ng kasama nila noon sa bangka.

Taong 2010, nasa limang dekada na ang lumipas, saka lamang nilahad ni Terry Jo ang nakapangingilabot na pangyayari na ito sa kanyang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks

Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel