Isa na namang 16 anyos na babae, natagpuang basag ang bungo at walang saplot sa Sarangani

Isa na namang 16 anyos na babae, natagpuang basag ang bungo at walang saplot sa Sarangani

- Isa na namang 16 anyos ang natagpuang patay sa Maitum, Sarangani

- Nakasilid sa sako ang bangkay ng dalagitang basag ang bungo at walang saplot

- Mayroon na agad person of interest ang pulisya sa naturang krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw lamang ang nakakaraan mula nang matagpuan ang bangkay ni Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu, Cebu, isa na namang 16 anyos na dalagita ang brutal na pinaslang sa Maitum, Sarangani.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, nakasilid pa umano sa sako ang bangkay ng dalagitang walang saplot at basag pa ang bungo.

Sa pahayag ni Police Major Rodel Javison, hepe ng Maitum Municipal Police, Biyenes ng gabi pa nang nai-report ang pagkawala ng dalagitang may pangalan na Joyjoy.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

Kinabukasan, Marso 16 ng madaling araw, natagpuan ang katawan nito.

Di tulad ng ilang araw na paghahanap ng suspek kay Christine noong nakaraang linggo, may person of interest na agad ang pulisya sa kaso na ito ni Joyjoy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Labis ang pagdadalamhati ng kanyang pamilya at nananawagan ang mga ito na mabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay ng dalagita.

Masusing imbestigasyon din ang gagawin sa kaso lalo na at di nalalayo ang sinapit ni Joyjoy sa nangyari kay Christine na brutal na pinaslang at labas din ang bungo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec wants to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel