Lolo na hinuli dahil sa ingay ng lumang motorsiklo, nabigyan ng bagong sasakyan

Lolo na hinuli dahil sa ingay ng lumang motorsiklo, nabigyan ng bagong sasakyan

- Nag-viral ang mga larawan ng isang lolo na hinuli at tinanggalan pa di umano ng tambutso dahil sa luma na ang kanyang motor

- Tila nagkasagutan pa ang ilang netizens dahil sa kaya raw pala ito hinuli ay upang mabigyan ito ng panibago

- Na-bash kasi nang husto ang mga nanghuli di umano sa matanda na ang totoong pakay pala ay ang matulungan ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang isang kaawa-awang lolo na nahuli ang minamanehong motorsiklo sa ingay at sa usok na binubuga nito.

Ayon na repost ng Insecto Philippines, lumalabas na kawawa ang matandang nagawa pang hulihin sa kabila ng kitang kita namang sitwasyon nito.

Sa isang larawan, makikita pa na ang mismong matanda ang nagdidikdik ng muffler mula sa kanyang motor.

Dahil dito, umani ng matinding pamba-bash ang mga nanghuli sa matanda na bukod sa naagrabyado na ay labis pang napahiya sa pangyayari.

PAY ATTENTION: The Amazing Cast Of Game Of Thrones In Then And Now (PHOTOS)

Bukod pa rito, pinaniniwalaan ding isa sa rason kung bakit siya nahuli ay dahil wala siyang suot na helmet.

Nalaman ng KAMI na isang netizen ang nagbahagi ng larawan kung saan binigyan na pala ng bagong motor ang lolo.

May nagsasabing sinadya raw hulihin ito upang mabigyan ng panibagong motor na magagamit umano ng matanda.

Ang ilan naman ay nagsabing binigyan na lamang ang matanda dahil tila nakonsensya ang mga humuli sa kanya at di na naawa sa matandang nagha-hanapbuhay pa.

Ayon din naman sa ibang netizens, maging masaya na lamang daw dapat ang lahat dahil sa nabigyan ng biyaya ang matanda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"FYI sinurprise nila si tatay ng bagong motor! Same people lang ang nag surprise! Try to know the whole story before judging them or yung workplace nila"
"Let's all be happy for tatay na lang, may bago na pala siyang motor"

"Natulungan po siya so sa tingin ko ok na yun"
"Sa kabilang banda, may violation pa rin si lolo, siguro ang di maganda e yung siya mismo ang pinagdikdik ng mufler niya..."
"Well, importante natulungan naman siya with a brand new motorcycle. siguro with helmet na rin iyon para complete na"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel