Kuwento ng cancer survivor na naging ganap na doktor, pinabilib ang mga netizens

Kuwento ng cancer survivor na naging ganap na doktor, pinabilib ang mga netizens

- Isa na ngayong licensed physician ang cancer survivor na si Albien Emmanuel Gacias

- Viral ang kanyang post na ibang level ng 10 years challenge

- Marami ang na-inspire sa nakakatunaw ng puso niyang kwento at hinangaan din siya dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nag-viral ang post ng isang cancer survivor na si Albien Emmanuel Gacias. Binahagi niya kasi ang ibang level ng #10yearschallenge kung saan binahagi niya ang larawan noong siya ay nakikipaglaban pa sa cancer at ngayong isa na siyang ganap na doktor.

Ayon sa Inquirer.net, kakapasa pa lamang daw ni Albien sa Physician Licensure Examination, sampung taon mula noong siya ay nananalangin na gumaling sa kanyang matinding karamdaman.

Sa kanya mismong Facebook post, sinulat niya: "10 years ago ang pinagdadasal ko lang naman ay ang gumaling, wala akong idea na gagawin mo pala akong instrumento para ako naman ang makapagpagaling ng iba."

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

2008 nang ma-diagnose si Albien na mayroong “Malignant Germ cell tumor, isang uri daw ng lung cancer.

“At the time na ma-diagnose po ako, worries ko ay mag-stop ako sa studies as a nursing student. And also, takot din ako kasi I’m the eldest in the family,” pahayag ni Albien.

Sa matinding pananampalataya niya at sa suporta na rin na binigay ng kanyang pamilya, isa na siya ngayong cancer survivor.

Inspirasyon ng bagong doktor ang kanyang ina na pumanaw noong 2006 dahil sa cancer at sa kapatid niyang lalaki na namatay naman sa isang aksidente sa parehong taon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang kapitid niyang lalaki na ito ang siyang dahilan kung bakit din naisipan ni Albien na maging doktor. Dati kasi siyang nursing student ngunit mas pinili niyang tahakin ang propesyon ng isang manggagamot.

Payo ni "Dok Albien," mahalaga ang tiwala sa Panginoon. "Magtiwala lang tayo kay Lord…Wag po tayong mawalan ng pag-asa, laban lang everyday,” pagtatapos ng pinakabagong doktor.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel