Cute na make-up tutorial video ng batang babae, kinagiliwan ng mga netizens

Cute na make-up tutorial video ng batang babae, kinagiliwan ng mga netizens

- Viral ngayon ang nakakatuwang make-up tutorial video ng isang batang babae

- May bahagi kasi sa video na nagkakamali ang bata sa paglalagay ng make-up at laway ang pinambubura niya rito

- Aliw na aliw naman ang mga netizens, at nakaka-good vibes daw talaga ang video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aliw na aliw ang mga netizens sa viral video na binahagi ng Facebook user na si Mary Kris Agostossa Corpuz.

Isang cute na batang babae kasi ang gumawa ng sarili niyang make-up tutorial video kasama ang mas nakababata pa niyang kapatid.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, tila nagawa ito ng bata dahil sa kakapanood na rin ng naglipanang mga make-up tutorial videos ngayon.

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Unang nilagay ng bata ang liquid eyeliner sa talukap ng kanyang mga mata. Nang aksidente niyang maikalat ito sa pisngi, agad niya itong pinunasan gamit ang daliri na may laway.

Tuwang tuwa ang mga netizens dahil sa napaka-natural daw ng bata at pinagpatuloy pa rin nito ang kanyang video.

Maya maya pa'y muli niyang naikalat ang liquid eyeliner sa ilalim ng kanyang mga mata at ganun ulit ang kanyang ginawa.

Cute na cute pa rin ang bata na kasama pa ang kanyang kapatid. May ilang bahagi pa nga sa video na kinukulit na siya ng nakababatang kapatid ngunit nakuha pa rin nitong ngumiti sa camera.

Samantala, aliw na aliw ang mga netizens sa batang ito at nakaka-good vibes daw panoorin ang naturang video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kanilang komento:

"Ung laway talaga ang nagdala eh."
"Mabisa talaga pambura Ang laway."
"Nakarami na ung laway"
"pero magaling cya maglagay ng liquid eye liner hah.. haha!! gudvibes si eneng.."
" Hahaha ang cute may palaway pa"
"nakakatuwa nmn ang batang iyan akoy tawa ng tawa eh..."
" Patnubay ng magulang ang kailangan ahahaha...hanggg cute! Sige laway pa more iha mape perfect mo din yang make-up tutorial na yan"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel