Nobya, binaril ang BF dahil sa sobrang lakas daw nitong humilik

Nobya, binaril ang BF dahil sa sobrang lakas daw nitong humilik

- Isang 47 anyos na babae ang nagawang barilin ang kasintahan dahil lamang sa malakas daw itong humilik

- Iba pa ang naunang salaysay ng babae kung saan pinapasa lamang daw ng babae ang baril sa nobyo nang bigla itong pumutok

- Inakusahan ang nakilalang suspek na si Lorie Morin ng attempted murder at aggravated battery

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 47 anyos na babae ang nagawang barilin ang ka-live-in dahil lamang umano sa paghihilik nito ng sobrang lakas.

Ayon sa LADBible, ang biktimang kinilalang si Brett Allgood ay agad namang naisugod sa ospital.

Nalaman ng KAMI na sa unang pahayag ni Morin, sinabing pinapasa niya lang noon ang baril sa kanyang kasintahan nang bigla itong pumutok.

Dahil dito, inakala ng Brevard County Sherriff's Office na talagang aksidente lamang ang nangyari.

Ngunit, nang makausap ng pulisya si Allgood na nakaligtas naman sa insidente, sinabi nitong nagtalo pala sila ng nobya dahil sa malakas niyang paghihilik na nauwi sa pamamaril nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Beyoncé, Taylor Swift, and Other Celebrities Who Have Crashed Normal People's Weddings

Matapos makausap ang lalaki, muling kinausap ng mga pulis ang suspek at doon tila naiba na nga talaga ang kwento.

Tinatakpan na lamang daw ni Morin ang kanyang mukha na parang umiiyak. Ngunit kapansin-pansin na wala naman daw lumalabas na luha sa mga mata nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, laking gulat naman ng kanilang mga kapitbahay nang malaman ang nangyari dahil sa mababait naman umano ang magkasintahan.

Di rin sila makapaniwala na ang labis na paghihilik lamang ng lalaki ang sinasabing dahilan ng pamamaril ng nobya.

Kasalukuyan nang nasa Brevard County Jail si Morin at di ito pinayagang mag-piyansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel