Guro, arestado matapos akusahan ng panggagahasa sa 1 estudyante

Guro, arestado matapos akusahan ng panggagahasa sa 1 estudyante

-Arestado ang isang High school teacher matapos itong akusahan ng panggagahasa sa isang 17-anyos na estudyante

-Ayon sa biktima, nangyari ang insidente sa mismong boarding house ng suspek

-Nahuli ang akusado sa tulong ng mga kasamahan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang guro ng San Juan City National High School matapos itong akusahan ng panggagahasa sa isang 17-anyos na estudyante.

Kinilala ang suspek na si Zamir Laud na naaresto sa Barangay Sta. Lucia sa San Juan nitong Biyernes ayon sa ulat ng Inquirer.

Mayroon na itong standing warrant of arrest sa kasong panggagahasa mula sa San Juan City Regional Trial Court Branch 14.

PAY ATTENTION: The Amazing Cast Of Game Of Thrones In Then And Now (PHOTOS)

Ayon sa ulat, August noong nakaraang taon, nagpunta ang biktima sa boarding house ng suspek upang isangguni ang personal na problema nito na hindi na idinetalye pa ng mga pulis.

Habang nag-uusap umano ang mga ito nagsimula nang mag-take advantage ang guro at kalaunan ay ginahasa na ang menor de edad na dalaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dalawang araw matapos ang insidente, nagsabi ang biktima sa ibang guro nito na siya namang nag-report ng krimen ayon sa mga pulis.

Sabi naman ni chief Senior Supt. Ariel Fulo, ang pagkakadakip sa suspek ay dahil sa tulong ng mga kasamahan nito.

Itinanggi naman ni Laud ang krimeng inaakusa sa kanya ngunit ayon sa medico-legal officer ng Philippine National Police Crime Laboratory Office, positibong ginahasa ang dalaga.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel