Karumal-dumal na pagkamatay ni Christine Silawan, posibleng maging pelikula

Karumal-dumal na pagkamatay ni Christine Silawan, posibleng maging pelikula

-Pinag-iisipan raw ni Carlo J. Caparas na isa-pelikula ang buhay ng napaslang na si Christine Lee Silawan

-Dumalaw ang batikang direktor at tinaguriang "True-to-Life Story King" sa burol ni Silawan

-Samantala, nauna nang naibalita na nahuli na ang itinuturing na person of interest sa pagkamatay ng dalaga na si Jonas Bueno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinag-iisipan raw ng batikang direktor na si Carlo J. Caparas na isa-pelikula ang buhay ng dalagang brutal na pinatay sa Cebu na si Christine Lee Silawan.

Hindi pa nagbigay ng detalye si Caparas na itinuturing na "True-to-Life Story King" tungkol sa planong ito.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Ito rin ang direktor sa likod ng mga pelikulang "Vizconde Massacre" at "Lipa 'Arandia' Massacre: Lord Deliver Us From Evil."

Dumalaw si Caparas sa burol ng 16-anyos na si Silawan sa bahay ng lolo nito sa Barangay Mactan bandang hapon nitong Biyernes, March 15, ayon sa ulat ng Sun Star Cebu.

Kasama nito ang pinsan ng yumaong asawang si Donna Villa na si Dante Jimenez, founding chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ilang miyembro nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nahuli na ang itinuturing na person of interest sa pagpatay sa dalaga na si Jonas Bueno nito lamang Biyernes.

Ngunit ayon sa NBI, hindi umano inamin ni Bueno ang krimen.

Hindi rin daw kumbinsido ang ina ng dalaga na si Lourdes Silawan na si Bueno ang siyang suspek sa pagpatay sa anak.

Huwebes, mabilis na kumalat ang impormasyon at larawan ni Bueno sa social media at sinabing ito ang primary suspect sa pagpatay kay Silawan na una nang naibalita ng KAMI.

Ngunit mariin itong itinanggi ng mga awtoridad.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel