Nahuling si Jonas Bueno, hindi raw umamin sa pagpatay kay Christine Silawan

Nahuling si Jonas Bueno, hindi raw umamin sa pagpatay kay Christine Silawan

-Ayon sa mga awtoridad hindi inamin ng nahuling suspek sa pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City at itinuturing na person of interest na si Jonas Bueno ang pagpatay kay Christine Silawan

-Puno rin ng mga demonic tattoo si Bueno at sinasabing miyembro ng isang kulto

-Naaresto si Bueno nitong Biyernes sa Davao City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahuli na ang person of interest sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan na si Jonas Bueno ngayong Biyernes sa Barangay Matina Crossing Guadalupe, Davao City.

Nagsagawa ng operasyon ang CIDG, Mindanao Area Police Intelligence Office, NBI, Regional Intelligence Unit-Davao, at Davao City Police Office-Police Station 3.

Marami itong mga demon tattoo sa katawan at may salitang "Pitogo" pang naka-tatto rito.

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Isa umanong informant ang nag-timbre sa lokasyon nito sa Talomo Police Station. Nakatulong rin ang Facebook account ng suspek para ma-locate ito na may account name na Jason Martil.

Ngunit ayon kay CIDG Davao City Field Unit head, Police Chief Inspector Milgrace Driz, hindi umano inamin ni Bueno ang pagpaslang sa 16-anyos na si Silawan, ayon sa ulat ng Sun Star.

Nito lamang Huwebes, mabilis na kumalat ang larawan ni Bueno sa social media matapos ibalita ng isang Media Company na ito nga ang primary suspect sa kaso ni Silawan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit mariing itinanggi ito ng mga awtoridad at sinabing isang person of interest lamang si Bueno.

Samantala, hindi rin kumbinsido ang ina ni Silawan na si Bueno ang gumawa ng karumal-dumal na pagpatay sa kanyang anak na una nang naibalita ng KAMI.

Naiugnay ang pangalan ni Bueno dahil isa ito sa mga suspek sa brutal na pagpatay, katulad kay Silawan, sa isang magsasaka noon lamang Enero.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya ng Lapu-lapu City at ng Danao City kung may koneksyon ba ang dalawang kaso dahil sa pagkakapareho nito.

Ayon pa sa report, nakatakdang iharap si Bueno kay Pangulong Duterte na nag-utos ng malawakang man hunt para sa mga pumatay kay Silawan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel