Super Yayamanin! Jinkee at Manny Pacquiao, nagpasilip sa kanilang romantic European trip

Super Yayamanin! Jinkee at Manny Pacquiao, nagpasilip sa kanilang romantic European trip

- Super yayamanin talaga ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao

- Nagbahagi lang naman si Jinkee Pacquiao ng ilang mga pictures nila ni Pacman sa kanilang sosyaling European trip

- Parang honeymoon trip ang dating ng kanilang mga sweet snaps together

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Grabe na talaga sa sobrang yaman ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao dahil spotted ng KAMI na pagkatapos ng kanilang isang trip abroad ay nag-European tour naman ang dalawa.

At naging generous naman si Jinkee Pacquiao na ibahagi ang kanilang super bongga at sosyaling trip.

Nagpakilig pa sina Mr. and Mrs. Pacquiao sa kanilang sweet moments together na kuhang-kuha sa camera.

Unang ibinahagi ni Jinkee ang isang video kung saan pinapakita niya ang kagandahan ng Zurich, Switzerland.

Sumunod ang group picture nila sa sosyaling hotel kung saan sila nag-stay.

Nag-date pa sila sa magandang siyudad ng Luzern at kasama nila ang kakambal ni Jinkee at mister nito na dating PBB housemate.

Pumunta rin sila sa Mount Titlis, Engelberg, Switzerland sa pamamagitan ng pagsakay ng cable cars at nag-dinner sa Bürgenstock Hotel sa Weggis, Switzerland.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos sa Switzerland, sunod na binisita nila ay ang Vaduz ng Liechtenstein, ayon na rin sa geolocation ni Jinkee Pacquiao.

Namasyal din sila sa Munich at Schloss Neuschwanstein sa Germany at ang huling pinuntahan nila ay ang bansang Austria.

Di na talaga maabot ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.

Mukhang nalibot na nila ang buong mundo.

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

POPULAR: Read more news about Jinkee Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Day, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back but she's keeping the faith

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel