Chokoleit, inaatake na sa puso habang nagpe-perform ayon sa 1 doktor

Chokoleit, inaatake na sa puso habang nagpe-perform ayon sa 1 doktor

-Posibleng inaatake na ang komedyanteng si Chokoleit bago o habang nagpe-perform ito sa stage ayon sa isang doktor

-Ito ang naging pahayag ng cardiologist na si Dr. Luigi Segundo nang tanungin kaugnay sa pagkamatay ni Chokie

-Sabi naman ng kaibigan at kapwa komedyante ni Chokoleit na si K Brosas, walang dapat sisihin sa nangyari rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Posible umanong inaatake na ang yumaong komedyante na si Chokoleit bago o habang nangpe-perform ito noong Sabado sa Abra.

Sa programa ng ABS-CBN na Magandang Buhay, nilinaw ng isang doktor na posibleng nakaligtas pa si Chokoleit kung hindi na nito itinuloy ang performance sa Abra.

Sabi pa ng cardiologist na si Dr. Luigi Segundo, maaaring inaatake na ang isang tao kahit nakikita itong kaya pang gumalaw.

PAY ATTENTION: Beyoncé, Taylor Swift, and Other Celebrities Who Have Crashed Normal People's Weddings

"Posible 'yon. I heard pulmonary edema. I think statement 'yon from the hospital...

So 'yung pulmonary edema, in the setting of heart attack, it happens late. Una muna kasi may heart attack na.

When you say heart attack kasi, every minute may part of the heart muscle namamatay, so humihina 'yung pump ng heart muscle." paliwanag ng doktor.

"Some of the fluid nao-overload napupunta sa baga, that's pulmonary edema na. So kung 'yun ang sinabi ng doktor baka that's what happened, baka the heart attack happened even before the show." dagdag pa nito.

Tinanong ng kaibigan at kapwa komedyante ni Chokie na si K Brosas si Segundo kung posible bang nailigtas si Chokie kung 'di na nito itinuloy ang performance.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"If ever lang po na 'yung 27 minutes na 'yon imbes na nag-show siya ay dinala niya ang sarili sa ospital o nagpadala siya sa ospital, may possibility po ba na buhay pa po si Chokoleit ngayon?" tanong ni K.

"Not really knowing kung ano talaga ang nangyari sa kanya because I didn't see him, [but the answer is] yes.

Kasi nga, sabi ko may therapies na kapag na-start mo nang mas maaga, malaki ang chance na mag-survive. So kung papatagalin mo, by the time na pagdating mo sa ospital, baka it's too late." ito ang naging pahayag ni Segundo.

Ani pa nito kapag nararamdaman na maaaring inaatake na sa puso dapat ay magpunta na agad sa ospital.

Sabi naman ni K, walang dapat sisihin sa nangyari.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel