Jonas Bueno na di umano'y suspek sa brutal na pagpaslang kay Christine Silawan, nahuli na

Jonas Bueno na di umano'y suspek sa brutal na pagpaslang kay Christine Silawan, nahuli na

- Nasa kamay na ng pulisya ang sinasabing "person of interest" sa pagpaslang kay Christine Lee Silawan

- Sa Davao city pa umano nahuli ang suspek na sinasabing miyembro ng isang kulto na brutal na pumapaslang at nagnanakaw

- Isang araw lamang mula nang ilabas ang larawan ni Bueno sa publiko ay agad na itong nadakip

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unti-unti nang nakakamit ang hustisya para kay Christine Lee Silawan ngayong nadakip na ang sinasabing "person of interest" sa brutal na pagpatay sa kanya.

Sa inilabas na ulat ng Manila Bulletin, nahuli na umano si Jonas Bueno, ang isa sa tatlong suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu, Cebu.

Halos 24 oras lamang mula nang ilabas sa publiko ang larawan ni Bueno, nahuli na ito ng National Bureau of Investigation (NBI)-Davao at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao City ayon sa SunStar Cebu.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Sinasabing ang magkakapatid na sina Jovie, Junrey at Jonas ay miyembro ng isang kulto na pumapatay at nagnanakaw sa Danao city.

Nito lamang Enero, maalalang sila ring magkakapatid ang mga akusado sa brutal na pagpatay sa isang 62-anyos na magsasaka sa Danao.

Halos pareho ang paraan ng pagpaslang sa magsasaka at sa dalagita ng Lapu-Lapu city kung saan binalatan din ang mukha nito hanggang sa makita na ang bungo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lunes, Marso 11, nang matagpuang walang pang-ibaba ang bangkay ni Christine at tinalupan pa umano ang mukha nito at lumabas na ang kanyang bungo.

Umaasa ang marami na tamang tao na ang nasa kamay ng pulisya upang tuluyan nang mabigyan ng katarungan ang walang awang pagpaslang sa dalagita.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel