Ina ni Christine, nagsalita na ukol sa person of interest na si Jonas Buenos

Ina ni Christine, nagsalita na ukol sa person of interest na si Jonas Buenos

-Hindi kumbinsido ang ina ni Christine Lee Silawan na si Jonas Bueno ang siyang gumawa ng krimen sa anak

-Sa isang press conference kasama si Senior Superintendent Limuel Obon at abogado ng PAO na si Persida Acosta sinabi nito na hindi siya naniniwala na ito nga ang suspek

-Ayon naman sa Lapu-lapu police, hindi sila naglabas ng larawan o pagkakakilanlan ng primary suspect

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi kumbinsido si Lourdes Silawan, ina ng 16-anyos na pinaslang kamakailan sa Lapu-lapu City na si Christine Lee Silawan, na si Jonas Bueno nga ang pumatay sa anak.

Ito ang kanyang naging pahayag sa isang press conference ngayong Biyernes ayon sa ulat ng Cebu Daily News.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Kasama nito ang chief ng Public Attorney’s Office (PAO), na si Persida Acosta at si Senior Superintendent Limuel Obon, direktor ng Lapu City Police Office (LLCPO).

Huwebes, mabilis na kumalat ang larawan ni Bueno sa social media na nagsasabing ito nga ang primary suspect na tinutukoy ng mga pulis.

Ngunit mariing sinabi ni Obon, na hindi sila naglabas ng larawan o pagkakakilanlan ng tinutukoy nilang primary suspect.

Ngunit isa umanong person of interest si Bueno ng mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Bueno ay isa sa mga miyembro ng notorious na grupo ng mga magnanakaw at mamatay tao sa Danao City.

Isa ito sa mga akusado sa pagpatay sa 62-anyos na magsasaka sa Danao City na natagpuang patay at binalatan rin ang mukha hanggang dibdib noon lamang Enero.

Ang magkakapatid na sina Jovie, Junrey at Jonas ang siyang suspek rito. Napatay sa engkwentro laban sa mga pulis sina Jovie at Junrey habang si Jonas ay nakatakas.

Kung kaya naman isa ito sa mga iniimbestigahan ng mga pulis dahil sa pagkakapareho ng kaso.

Umaasa ang Lapu-lapu police na mahuhuli nila ang tunay na suspek sa kaso ng pagpatay kay Christine sa kabila ng mga kumalat na balita kaugnay kay Jonas Bueno.

“We remain hopeful na ma-arrest natin yung primary suspect,” ani Obon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel