Video ng babaeng di umano'y sinapian ng duwende, nag-viral

Video ng babaeng di umano'y sinapian ng duwende, nag-viral

- Viral ngayon ang video ng isang babaeng sinapian di umano ng duwende

- Sa pakikipag-usap ng "manggagamot", napag-alamang nagalit ang "duwende" sa pumutol ng puno ng mangga na kanilang tirahan

- Bago matapos ang video, unti-unti nang umaalis ang nilagay daw na "sakit" ng mga duwende sa babaeng kanilang sinaniban

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naniniwala na totoo ang video na ito ng babaeng di umano'y sinaniban ng duwende.

Sa video na binahagi ng Facebook KMJS, makikita ang babae na nagpapagpag ng kanyang katawan habang kinakausap ng lalaking "manggagamot."

Sabi ng "duwendeng" kausap ng manggagamot, galit daw umano ito sa lalaking pumutol ng punong mangga na kanilang tinitirahan.

Mainit na raw kasi roon kaya nahihirapan na silang manirahan pa sa ponagputulan ng punong mangga.

PAY ATTENTION: The 25 Wealthiest Families In The United States Revealed

Tinanong naman ng manggagamot kung bakit ang babae ang kanilang ginagambala gayung sa lalaking nagputol ng puno pala sila galit.

Mahina raw umano ang babae kaya madali nila itong napasok at pumayag daw umano ang mga ito na putulin ang puno na malapit kasi sa kanila.

Paulit-ulit na nagpapagpag ang babae ng kanyang katawan habang sinsabi na wala na silang tirahan.

Sinagot ito ng manggagamot na wala na silang pakialam sa kung saan man titira na ang mga duwende at tinakot na niya itong papatayin kung di pa nila lubayan ang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masasabing pinahirapan daw umano talaga ang babae ng mga duwendeng sumapi rito dahil nagkasakit ito, di makalakad at di na rin nakapagtrabaho.

Nakuha pa ng manggagamot ang pangalan ng duwende na si "Jose." Siya raw ang pinuno ng kanilang grupo at aminado na siya rin ang "salbahe" sa kanila. Sinabi pa umano ng duwende na siya ang pinakamatanda sa kanila.

Natataranta ito na pinagmamadali pa ang mga kasama na tanggalin ang nilagay na pahirap sa babae sa takot na baka patayin sila ng manggagamot.

Di na pinakita pa sa video kung ano na ang nangyari matapos paalisin ang elementong sumapi sa kanya.

Samantala, karamihan sa mga netizens na nakapanood ng video ay naniniwalang totoo ang pagsanib na nangyari sa baabe.

Ang ilan ay nagbahagi pa ng kanilang katulad na karanasan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"kahit ako naniniwala sa ganyan kasi yun si ate poleng nuon nagkaganyan may gusto naman sa kanya yun itim na duwende..nakita namin nangyayari sa kanya"
"Totoo po yan. Kaya yung hindi naniniwala wag pilosopo."
" Naniniwala po ako sa mga sinasaniban 101%"
"Ddy naalala ko yong nagustuhan din ako,nagselos sayo, pinilay ako"

"ang galang ng duwende may opo pa sya."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel