Ama, itinakas ang bangkay ng 2-anyos na anak sa ospital dahil walang pambayad pang-embalsamo
- Itinakas ng isang tatay ang bangkay ng kanyang 2-taong gulang na anak sa ospital
- Wala raw siya kasi pambayad sa pang-embalsamo ng kanyang anak
- Dinala niya ang bata sa ospital dahil sa sobrang pagsusuka at pagdudumi pero sinabihan daw siya ng doktor na mamamatay din ang anak niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang nakakalungkot na pangyayari ang bumungad sa netizens sa araw na ito.
Nalaman ng KAMI na may isang tatay na walang pambayad sa pang-embalsamo ng 2-taong gulang na anak kung kaya't minabuti niyang itakas na sa ospital ang bangkay ng bata. Natagpuan siyang nakasalampak sa kalsada, yakap-yakap ang bangkay ng anak na binalot sa pulang tela.
Ayon sa report ng GMA, dinala ng tatay ang bata sa pagamutang bayan sa Malabon dahil dalawang araw na nagsusuka at nagtatae ang anak na si Kevin.
Kuwento ni Marlon de Leon, ang ama ng bata, masakitin daw kasi ang anak na si Kevin.
"Masakitin po siya eh, dinala ko sa ospital eh, tapos pagdating sa ospital, sabi ng doktor, di na puwedeng mabubuhay siya, mapatay na lang siya, tapos dinala sa morgue, tinakas ko na lang siya."
Iba naman ang kuwento ng attending physician sa ospital ng Malabon na si Dr. Emerlito Bungay, dead on arrival daw ang bata sa ospital.
Sinubukan daw nilang i-revive pero namatay din ito dahil sa severe dehydration at malnutrition.
PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding
Wala naman daw babayaran sa ospital maliban na lang daw sa mga gamot.
Nadatnan si Marlon sa labas ng Missionaries of Charity at may mga mabubuting loob doon na tumulong sa kanya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Isang napakalungkot na pangyayari ang naganap sa mag-amang de Leon. Nawa'y walang sinuman ang dadanas ng sinapit nila.
Tinulungan na rin siya ni Isko Moreno upang maipalibing nang maayos ang bata.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Want to know the "Firsts" of LizQuen. Liza and Enrique play the "Firsts" game. Watch it here.
Source: KAMI.com.gh