Tribute ng beauty influencer para kay Christine Silawan, binatikos ng netizens

Tribute ng beauty influencer para kay Christine Silawan, binatikos ng netizens

- Isang make-up na kalahating bungo at kalahating maayos na mukha ang ginawa ng beauty influencer na si Drian Bautista

- Tribute daw niya ito sa kontrobersyal na murder case ni Christine Silawan na magpasa-hanggang ngayon ay wala pang klarong detalye kung sino ang walang awang gumawa nito sa kanya

- Binatikos ito ng karamihang netizens dahil di raw "tribute" ang ginawa na ito ni Drian kundi pagpapasikat lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang umano'y tribute ng isang beauty influencer ng Pinas na si Drian Bautista dahil sa pagmi-make-up nito na kalahating bungo at kalahating glamurosang mukha.

Ayon sa Yahoo Philippines, ito ang naisip na tribute ni Drian para sa 16 anyos na brutal na pinatay sa Cebu na si Christine Silawan.

Sa tweet, sinabi ni Drian na ginawa niya ito upang ipanawagan ang hustisya para kay Christine na walang awang ginahasa, pinatay at tinalupan ng mukha hanggang sa makita ang bungo.

PAY ATTENTION: 12 Times Celebs Flaunted Their Mindblowing Wealth on Instagram

Nalulungkot din daw si Drian na may mga taong kayang gumawa ng ganitong klaseng krimen na di lang basta pinatay ang biktima, pianhirapan pa ng husto.

May hashtag din na #DeathPenalty ang tweet na ito ni Drian bilang suporta sa nararapat na raw na panunumbalik nito sa bansa. Dumarami na naman kasi ang nagaganap na krimen sa Pilipinas at ito ang nakikita nilang solusyon.

Ngunit, imbis na suportahan ng ibang netizens, tila binatikos pa ang mga larawan at post na ito ng beauty influencer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May ilang nagsasabi kasi na hindi "tribute" ang ginawa ni Drian kundi isang uri di umano ng pagpapapansin at pasikat lamang upang mapag-usapan ang kanyang make-up.

Dagdag pa ng ilan, kung talagang para kay Christine ang make-up na iyon, sana raw ang kalahating mukha sa kabila ng mukhang bungo ay nagpapakita ng isang simpleng dalagita.

Isa ring komento ang nagsabi pa na kung nakikiramay talaga ang influencer, di raw "paganda" ang ginawa nito.

Samantala, sinagot ni Drian ang mga bumatikos na ito at sinabing isa siyang artist at ito ang paraan niya ng pagprotesta sa nangyari kay Christine.

Kung ang ilan ay nadismaya, may ilan din namang nagawang ipagtanggol ang Pinoy beauty influencer.

Ngayong hapon ay humingi ng paumanhin at patawad si Drian sa una niyang tweet. Tila naging "manhid" di umano siya sa pangyayari.

Kahapon, Marso 13, pinanawagan na ng ate ni Christine na si Lousiline na huwag na sana umanong gumawa pa ng kung anumang "kalokohan" sa mga larawan ng kapatid niya lalo na ang hitsura nito nang matagpuang patay. Una na itong naibalita ng KAMI.

Patuloy pa rin ang paghahanap sa sinasabing tatlong suspek sa brutal na pagpatay sa dalagita at tumaas na rin sa 1.8 milyong piso ang pabuya kung sinoa ng makapagtuturo sa mga suspek.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back but she's keeping the faith

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel