Autopsy sa katawan ni Christine Silawan, may nakakagimbal na resulta

Autopsy sa katawan ni Christine Silawan, may nakakagimbal na resulta

-Karumal-dumal ang pagpatay sa 16-anyos na dalagang si Christine Silawan at tila 'di natatapos ang mga nakakagimbal na balita tungkol sa pagkamatay nito

-Nito lamang Miyerkules, ibinahagi ng doktor na nag-autopsy sa dalaga ang mga nakita nito sa katawan nito

-Tila hindi tao ang pinaslang sa uri ng pagpatay kay Christine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi matapos-tapos ang nakakagimbal na balita kaugnay sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na dalagang si Christine Lee Silawan.

Nitong Miyerkules, binahagi ni Dr. Benjamin Lara, medico-legal officer ng Philippine National Police Crime Laboratory (PNP Crime Lab) ang mga nakita sa katawan ni Christine.

Una nang naibalita na natagpuan ang bangkay ng dalaga sa isang bakanteng lote sa Lapu-lapu City at nabalatan ang mukha nito hanggang leeg.

Autopsy sa katawan ni Christine Silawan, may nakakagimbal na resulta

Photo source: Facebook
Source: Facebook

Pero 'di pa rito natapos ang kagimbal-gimbal na balita dahil ayon kay Lara, may ilang parte ng katawan ni Christine ang nawawala!

PAY ATTENTION: 12 Times Celebs Flaunted Their Mindblowing Wealth on Instagram

Ang dila, esophagus at kanang tenga ng dalaga ay wala na sa katawan nito.

Posible umanong kinuha o kinain ito ng mga hayop ngunit wala siyang nakitang bakas ng kagat ng ngipin sa katawan ni Christine!

Ayon pa sa isang report ng Sun Star Cebu, posibleng sinadyang tanggalin ng mga suspek ang mga parteng nawawala sa dalaga upang hindi ito agad makilala at mabigyan sila ng oras na makatakas.

Multiple stab wounds ang ikinamatay ng biktima. 30 saksak ang tinamo nito, isa sa leeg, 20 sa katawan at 9 na pinaniniwalaang defense wounds!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

12 rito ay tumama lahat sa kanyang baga, isa sa liver at nang buksan ang tiyan nito ay mayroon nang internal bleeding.

Ayon pa kay Lara, mukhang bihasa na sa pagputol o pagbabalat ang gumawa nito dahil siguradong-sigurado ang bawat galaw nito.

Posible ring labaha o pang-ahit ang ginamit ng mga suspek sa pagbalat sa mukha ng biktima.

Hindi rin daw ganon kadali buksan ang bungo ng isang tao.

“This was really carefully and meticulously done,” ani Lara.

Ang dila naman ng dalaga ay maaaring sinadyang tanggalin dahil hindi ito madaling alisin mula sa bibig!

Dagdag pa ni Lara, alam na alam ng mga salarin ang kanilang ginagawa at posibleng iba't-ibang klase ng panghiwa ang ginamit sa dalaga.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel