Rumaragasang kotse na umararo sa mga naglalaro sa 'FunHouse', sapul sa CCTV

Rumaragasang kotse na umararo sa mga naglalaro sa 'FunHouse', sapul sa CCTV

- Sapul ng CCTV ang pagragasa ng isang kotse sa mga naglalaro sa 'FunHouse' Waltermart Carmona, Cavite

- Napakabilis ng pangyayari na parang winalis ng sasakyan ang mga naglalaro sa arcade

- Walang ibang hangad ang mga netizens kundi ang kaligtasan ng mga nasagasaan ng walang prenong sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang kita sa CCTV kung paano winalis ng rumaragasang sasakyan ang mga naglalaro sa FunHouse sa Waltermart Carmona, Cavite nitong Miyerkules, Marso 13.

Sa video na binahagi ng Facebook page na Hottest online trends, makikitang may ilang nagre-relax lang sa paglalaro sa FunHouse.

May mga bata, at siyempre ang mga kasama nilang magulang ang naglilibang sa lugar nang biglang napasok ng umaandar na kotse ang lugar.

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Malinaw sa video na may ilang mga nasagasaan sa aksidente na kinabibilangan ng mga bata at matandang natumbok ang pwesto ng rumaragasang sasakyan.

Di na nagawang umiwas pa ng mga ito dahil sa di talaga inaasahan ang pangyayari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May nahagip ding matanda sa video na kitang kitang nanghina at nagulat sa aksidente.

Wala pa mang binigay na iba pang detalye ukol sa insidente ngunit walang ibang hangad ang mga netizens kundi ang kaligtasan ng mga nasagasaan lalo na ang mga batang naroon para magsaya ngunit nauwi sa trahedya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel