"Mali," Big Winner Myrtle Sarrosa sa viral kiss nina Lou at Andre sa PBB Otso

"Mali," Big Winner Myrtle Sarrosa sa viral kiss nina Lou at Andre sa PBB Otso

- Nagbigay ng prangka at matapang na opinyon si PBB Teen Edition 4 Big Winner Myrtle Sarrosa tungkol sa viral kiss nina Lou at Andre sa PBB Otso

- Ani pa niya na "mali" raw yung ginawa nila at umagree sa sinabi ni Big Brother

- Di lang daw "to learn about yourself" ang pagpasok sa loob ng Bahay ni Kuya, kung hindi "to set an example" rin umano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napag-alaman ng KAMI na sang-ayon si Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 Big Winner Myrtle Sarrosa sa sinabi at reminder ni Kuya sa LouDre na binubuo nina Lou Yanong at Andre Brouillette tungkol sa kanilang viral kiss sa PBB:Otso.

Sa recent interview ng Push kay Myrtle, naging matapang at prangka ito na nagbigay ng kanyang opinyon at pananaw sa pinag-usapang halikan sa loob ng Bahay ni Kuya sa Kapamilya reality TV show.

Ani pa ni Myrtle Sarrosa:

“Para sa akin din, if you don’t have a relationship with a person, why would you kiss them? Hindi mo rin alam ‘yung feelings mo para sa kanya. Hindi mo pwede gawing dahilan ‘yung alcohol or being out of yourself. Parang you should always still have a bit of control. Tapos anong sasabihin ng pamilya mo rin.”
“Kahit adults na sila. They should also watch out and think twice before making decisions.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman, hindi nasorpresa si Myrtle sa behavior ng LouDre.

Pahayag pa niya:

"Sa totoo lang kasi, sa millennium na ito, ang dami kasi na kahit walang relationships, naghahalikan na. May ganoon. Hindi ko sinasabing ako, pero I mean, you get exposed to this kind of environment na ‘pag sa mga parties and stuff may mga ganoon. Pero dapat pa rin talaga merong guidance from those older than you.”

Sa huli ay sinabi ni Myrtle na kung kaibigan daw niya sila ay sasabihin niya sa kanila na "mali."

“Para sa akin, they can be true to themselves pero at least alam din nila kung ano ‘yung tama at mali at buti na lang nasasabi sa kanila yun. Parang ka-edad ko lang ata sila para pangaralan sila (laughs). Pero kung kaibigan nila ako in real life sasabihin ko rin sa kanila na mali.”

Gaya na rin sa ginawa ng kaibigan nilang si Fumiya Sankai na kinumpronta at pinagsabihan si Andre sa kanyang inasal kasama si Lou sa PBB Otso

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Si Myrtle Sarrosa ay ang itinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012.

Kamakailan lang ay gumraduate si Myrtle bilang cumlaude sa University of the Philippines with a degree in Broadcast Communication.

Ngayon, kasama siya sa pelikulang Papa Pogi ng Regal Films.

POPULAR: Read more news about PBB Otso here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Day, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back but she's keeping the faith

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel