Ina ni Christine Silawan, hinimatay habang tinitignan ang anak sa burol nito

Ina ni Christine Silawan, hinimatay habang tinitignan ang anak sa burol nito

-Hindi na kinaya pa ng ina ni Christine Lee Silawan ang kalunos-lunos na sinapit ng dalaga

-Sa burol ni Christine, hinimatay ang nanay nito habang tinitignan ang anak sa loob ng kabaong

-Napag-alamang nakabalot ng puting kumot ang katawan ng dalaga upang maitago ang karumal-dumal na ginawa rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na kinaya pa ni Lourdes Silawan, ina nang pinatay at binalatan ang mukha na si Christine Silawan, ang labis na pighati.

Kahapon, Marso 13, bandang hapon, hinimatay na si Lourdes habang tinitignan ang katawan ng anak sa loob ng kabaong, ayon sa ulat ng Cebu Daily News.

Napag-alaman ng KAMI na nakabalot ng puting kumot ang katawan ni Christine upang maitago ang karumal-dumal na sinapit nito.

PAY ATTENTION: Forbes Top 10 Wealthiest Celebrities In 2018

Nakaburol ito sa bahay ng lolo nito sa mother side sa boundary ng Barangay Soong at Mactan, sa Lapu-Lapu City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, ayon sa mga awtoridad, mayroon na silang primary suspect sa brutal na pagpaslang sa dalaga at kasalukuyan nang iniimbestigahan ito.

Matatandaang noong Marso 11, Lunes ng umaga, nakita ang bangkay ni Christine sa isang bakanteng lote sa Barangay Bangkal in Lapu-lapu City.

Isang witness ang lumutang at sinabing tatlong lalaki ang nakita niyang humahabol sa biktima at pinagsasaksak ito bago hinubad ang pang-ibabang saplot at ginahasa.

Ganunpaman, hindi pa masabi kung nagahasa ba si Christine dahil wala umanong nakitang "fresh" injury sa pribadong bahagi nito na naibalita ng KAMI.

Ngunit 'di pa natapos rito ang pighati ng pamilya Silawa dahil ayon sa nagsagawa ng autopsy rito, may mga parte ng katawan ng dalaga ang nawawala!

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel