91 anyos na lolo, masigasig pa ring nagtuturo ng Physics sa high school

91 anyos na lolo, masigasig pa ring nagtuturo ng Physics sa high school

- Matalas pa rin ang isip ng 91 anyos na "Lolo Maestro" na si Gonzalo Maravilla at nagtuturo parin ito ng Physics sa high school

- 1945 pa nang magsimula siyang magturo sa Madyaas Institute at magpasa-hanggang ngayon, masigasig pa rin siyang nagbabahagi ng kanyang kaalaman

- Habang siya ay nabubuhay, handa pa ring magbahagi ng kanyang kaalaman si sir Maravilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga talaga ang tinaguriang "Lolo Maestro" na si Gonzalo Maravilla na isang guro sa Madyaas Institute.

Ayon sa FrontRow, sa edad kasi niyang 91, matalas pa rin ang kanyang isip at Physics pa ang tinuturo niyang subject sa kanyang Grade 10 students.

Kwento ni "sir Along", isa ang kanyang ama na si Miguel Maravilla sa mga nagpatayo ng paaralan sa Madyaas.

Nalaman ng KAMI na mula 1945, guro na siya sa nasabing eskwelahan at magpasa-hanggang ngayon, masigasig pa rin siyang nagbabahagi ng kanyang kaalaman sa kanyang mga estudyante.

Ramdam na ramdam daw talaga ni lolo Maestro ang kaibahan ng iba't-ibang henerasyon lalo na sa ngayon.

Dahil sa daw sa gadgets, nagiging tamad na ang mga mag-aaral.Ito raw ang nagtuturo sa mga kabataan ng kalokohan. Pero di naman daw niya ito nilalahat. Natutuwa rin daw siya na mayroon siyang mga estudyante na magagaling at talagang determinadong mag-aral.

Bilib kay sir Along ang kanyang mga estudyante. Minsan daw kasi mas makakalimutan pa silang mga bata kumpara kay sir Along na matalas pa ang memorya.

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Pinatunayan ito ng kanyang principal na si Franklin Ituriaga. Siya ay nagpakilala di lang bilang punungguro kundi "dating estudyante" ng Lolo Mestro.

Hangang-hanga talaga siya sa kanyang guro na hanggang ngayon ay kasama pa rin niya sa serbisyo.

Nilinaw din ng punungguro na alam ng Department ng Education na nasa serbisyo pa rin si sir Along.

Kadalasan kasi, hanggang 65 lang ang edad ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan. Ngunit dahil private school ang Madyaas Institute, pinayagan pa ring magturo ang matanda dahil kaya pa naman daw niya ito.

Ayon kay sir Maravilla, manghihina lang daw siya kung siya ay nasa bahay lamang. Kaya naman mas pinili pa rin niyang magbahagi ng kanyang talino kaysa pumirmi lamang sa kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala rin daw natatanggap na anumang reklamo mula sa mga magulang patungkol sa pagtuturo ng matanda. Sa halip, humahanga rin ang mga ito dahil kwento nga ng mga estudyante, nagtuturo ito nang wala nang tinginan pa sa libro at diretso mula sa kanyang utak.

Ang tanging kalaban daw ni sir Along ay ang mga nararamdaman ng may mga edad gaya ng panlalabo ng matanda at panghihina ng tuhod. Pinalala pa ito nang minsan siyang maaksidente.

Bukod sa maintenance niyang mga gamot, vitamins para sa kanyang nerves at brain, isa raw sa pinaghuhugutan ng lakas ni sir Along ay ang matinding pananampalataya niya sa Diyos.

Kahit pa sinasabi na ng ilan na mas mainam na magpahinga na lamang siya kasama ng kanyang pamilya, pinili pa rin ni sir Maravilla na ipagpatuloy ang kanyang serbisyo bilang guro at gagawin niya raw ito hangga't kaya pa niya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back but she's keeping the faith

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back but she's keeping the faith

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel