Kulto, posibleng may kinalaman sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan

Kulto, posibleng may kinalaman sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan

-Isa sa tinitignang posibilidad sa kaso ng pagpatay kay Christine Silawan ay ang pagkakasangkot ng isang kulto

-Ito ang naging pahayag ng Cebu Provincial Police Office (CPPO)

-Una nang naibalita ang brutal na pagpaslang sa dalaga na binalatan ang mukha at wala na ang ibang bahagi ng katawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa Cebu Provincial Police Office (CPPO), tinitignan nila ang posibiladad na mga miyembro ng kulto ang may kagagawan ng brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Ito ang naging pahayag ni Senior Superintendent Manuel Abrugena, direktor ng CPPO nitong Miyerkules sa harap ng mga press ayon sa report ng Cebu Daily News.

PAY ATTENTION: Celebrities Who Won't Do Nude Scenes

Una nang naibalita ang kahindik-hindik na sinapit ng 16-anyos na dalaga na bukod sa pinaslang at posibleng ginahasa pa, binalatan ang mukha hanggang leeg at nawawala pa ang ilang parte ng katawan.

Isa pang kaso ng ganitong klase ng pagpatay ay noong Enero lamang kung saan isang 62-anyos na magsasaka ang pinatay at binalatan rin ang mukha hanggang dibdib na naibalita na rin ng KAMI.

Ang suspek dito ay tatlong lalaki na mga miyembro ng notoriuos na grupo ng mamamatay tao at magnanakaw sa Danao City na ayon sa ilang report ay nagtatag ng kulto sa kabundukan ng Danao City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dalawa sa mga ito ay napatay sa engkwentro laban sa mga pulis habang ang isa sa mga ito ay nakatakas at kasalukuyang nagtatago umano sa kabundukan.

Ganunpaman, hindi pa rin masasabi kung may koneksyon ang dalawang kaso.

“There is a probability, pero so far, wala pang evidence na makokonekt yung pangyayari sa Danao City at yung lately sa Lapu-Lapu City,” ani Abrugena.

Nakatanggap rin kasi ng ilang reports ang mga pulis tungkol sa ilang pag-atake ng kulto sa mga barangay sa kabundukan ng Danao City.

Sabi pa ni Abrugena, nakikipag-ugnayan na sila sa Lapu-lapu City police para sa agarang paglutas sa kaso.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel