Lapu-lapu police, may 1 nang primary suspect sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan

Lapu-lapu police, may 1 nang primary suspect sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan

-Isang lalaking nakakausap umano ni Christine Silawan ang primary suspect ngayon ng mga pulis sa brutal na pagpatay sa dalaga

-Hindi pa pinangalanan ang lalaki na nakapalitan umano ng mga mensahe ng biktima

-Ayon sa Lapu-lapu police, kapag napatunayang isa ito sa mga pumaslang kay Silawan, mas madali nang mahuli ang dalawang iba pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaki ang iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad na posibleng mayroong kinalaman sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Ito ngayon ang itinuturing na primary suspect sa kaso. Itinanggi na muna ng mga awtoridad na pangalanan ang suspek na ito.

PAY ATTENTION: 12 Times Meghan Markle Went Against Royal Rules

Ayon kay Senior Superintendent Limuel Obon, director ng Lapu-lapu City Police Office (LLCPO), nakakausap ito ni Christine at mayroong palitan ng mga messages ang dalawa.

Ngunit hindi na muna sinabi ni Obon kung sa pamamagitan ba ng chat o text messages nagpalitan ng mensahe ang dalawa.

Ito ay upang hindi maapektuhan ang kanilang imbestigasyon.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, hindi pa rin sigurado kung mayroong relasyon ang biktima at ang primary suspect.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“In my definition of ‘boyfriend,’ it means there is some level of closeness and nag meet na sila. If that is the case, then I can say nga hindi boyfriend. [But if may communication], then maybe they are,” ito ang naging pahayag ni Obon.

Pero mayroon rin umano silang mga hawak na matibay na ebidensiya na nagtuturo sa nasabing suspek.

“The evidence is strong enough that we are confident that we are looking for the real culprit, ” ani Obon.

Kung mahuhuli nila ang isa sa mga ito, mas mapapadali na raw na mahuli ang dalawang iba pa.

Una nang naibalita ng KAMI na tatlong lalaki ang itinuro ng isang lumutang na saksi na siyang pumaslang sa dalaga.

Samantala, ayon naman sa resulta ng autopsy sa dalaga, posibleng hindi nagahasa si Christine ayon kay Police Colonel Limuel Obon.

Multiple stab wounds ang ikinamatay ng dalaga. Nagtamo ito ng isang saksak sa leeg, 20 sa katawan at 9 na defense wounds.

Nakiusap rin ang pamilya ng dalaga na itigil na ang pagkakalat ng mga larawan ng kapatid sa social media.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel