Mga taga-Maynila, pinaghahandaan na ang inaasahang 3 buwang water shortage

Mga taga-Maynila, pinaghahandaan na ang inaasahang 3 buwang water shortage

- Kanya-kanyang bili na ng mga malalaking water container ang mga taga-Maynila dahil sa inaasahang water shortage

- Malaking aberya raw ang kawalan ng tubig sa iba't ibang lugar ng Metro Manila lalo na sa mga negosyong nangangailangan ng tubig gaya ng car wash at laundry shop

- Maaring tumagal daw ito ng hanggang buwan ng Hunyo ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Damang dama na ngayon ng mga taga-Metro Manila ang hirap ng kawalan ng tubig sa iba't ibang bahagi nito.

Sa video na binahagi ng Manila Bulletin, kanya-kanyang bili na at tila nagpa-panic buying pa sa pagbili ng mga malalaking lalagyan ng tubig.

Ito ay bilang paghahanda sa water shortage na nararanasan na sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan tulad ng Pasig, Mandaluyong, Makati, Quezon city, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, Malabon, Navotas, Valenzuela at Maging Rizal at Bacoor.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

Ayon sa balita.net, ang panaka-nakang pagkawala ng tubig na ito ay bunsod umano ng El Niño na mas titindi pa pagpatak ng Abril.

Dahil dito, magkakaroon ng operational adjustments ang Manila water upang mabigyan ng magagamit na tubig ang kanilang mga kliyente.

Ilang araw na itong nararanasan ng nasa 33 barangay sa Maynila. Karamihan ay apektado na nang husto dahil pati ang kanilang mga negosyo ay unti-unti nang nalulugi dahil sa kawalan ng tubig.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gaya na lamang ng mga car wash, laundry shop at water refilling station na ang pangunahing nagpapatakbo ay tubig.

Umabot na rin sa puntong di na nakakapasok sa trabaho o eskwela ang ilan dahil sa kinulang na raw sa tubig panligo.

Inaasahang aabot pa ng hanggang Hunyo ang water shortage na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel