Vice Ganda at Ion Perez, umamin na raw sa kanilang relasyon sa GGV, ayon sa netizens

Vice Ganda at Ion Perez, umamin na raw sa kanilang relasyon sa GGV, ayon sa netizens

- Love wins nga raw para kina It's Showtime host Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez

- Umamin daw ang dalawa sa taping ng Gandang Gabi Vice (GGV)

- Sa katunayan, kumalat na ang mga larawan ng naturang pag-amin nila sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Spotted ng KAMI ang pag-viral ngayon ng taping ng Gandang Gabi Vice(GGV) kahapon, Martes, March 12, 2019, dahil sa malaking pasabog nina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez at saksi pa umano dito sina Charo Santos at Bea Alonzo.

Ayon pa sa mga faney na naka-witness sa naturang kilig moment nina meme Vice at Ion, ipa-prank umano sana ng GGV staff, kasama raw sina ate Jacky at Ion, sina Charo at Bea.

Guests ang dalawang bigating mga artista para mag-promote sila sa kanilang pelikulang 'Eerie.'

Pero ang ending daw ay tinanong ni Bea si Ion kung ano ba raw ang tunay nilang relasyon ni Vice at sinundan umano ni Charo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil daw nalagay sa tila hotspot si Ion ay di na napigilan nito ang pag-amin.

Ani pa sa salaysay ng mga naka-witness umano sa naturang tagpo, nahihirapan na raw si Ion pag may nagtatanong sa kanya tungkol sa kanila ni Vice.

Ayaw na umano niyang i-deny ito dahil sa paniniwala niya na pagmahal mo ang isang tao dapat daw ay ipagmalaki mo.

Makikita raw ang full episode ngayong Linggo, March 17, 2019 .

PAY ATTENTION: Celebrities Who Won't Do Nude Scenes

Si Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez ay magkasama sa noontime show ng Kapamilya network, ang It's Showtime.

Bukod sa It's Showtime, host din si Vice sa GGV at isa sa mga hurado sa Idol Philippines.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Day, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back but she's keeping the faith

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back but she's keeping the faith

Jaymee Joaquin just confirmed on her social media that the cancer is back
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel