Angelica Panganiban, naglabas na ng saloobin tungkol kay Carlo Aquino

Angelica Panganiban, naglabas na ng saloobin tungkol kay Carlo Aquino

- Nagsalita na sa wakas si Angelica Panganiban tungkol sa matagal ng isyu sa kanila ni Carlo Aquino

- Marami siyang mga naging pag-amin kung ano nga ba ang nangyari sa kanila

- Isiniwalat din ng aktres na hindi na sila magkaibigan sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binasag na ni Angelica Panganiban ang kanyang katahimikan tungkol sa matagal nang isyu kay Carlo Aquino.

Matagal na rin kasing usap-usapan sa social media na diumano'y ginamit lang ni Carlo si Angelica para sa kanyang showbiz comeback.

Nalaman ng KAMI na inamin ng aktres na wala na silang communication ni Carlo at hindi na sila magkaibigan sa ngayon.

PAY ATTENTION: The Amazing Cast Of Game Of Thrones In Then And Now (PHOTOS)

Aminado rin si Angelica na disappointed siya sa mga nangyari sa kanila ni Carlo, "Yun naman yun eh, yun lang naman ang nararamdaman ko eh. Disappointed."

Kung mayroon bang 'paasang' naganap, "Yun ang sabi niya, umasa daw ako. So.."

Sinagot din ng aktres kung payag ba siyang muling makatrabaho si Carlo, "Siguro panahon makakapagsabi mga.. kung buhay pa siguro ako nun."

Tikom naman ang bibig niya sa isyu kung may 'panloloko' bang naganap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, kalmado ang tugon ni Angelica Panganiban sa isang netizen na tinawag siyang "laspag." Tila hindi pa rin tinitigilan si Angge ng ibang netizens sa pamba-bash. Naging kalmado naman ang aktres sa pagsagot at may paalala rin siya dito.

Si Angelica Pangaiban ay makikita ngayon sa teleseryeng Playhouse sa Kapamilya kung saan nakasama niya ang kanyang ex-bf na si Carlo Aquino. Nabuo ang CarGel dahil sa pagbabalik tambalan nila Angelica at Carlo sa pelikulang Exes Baggage.

POPULAR: Read more news about Angelica Panganiban

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Happy International Women's Day, Dear Ladies! International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to. Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel